Deployment ban sa first-time OFWs sa Middle East
- BULGAR

- 6 hours ago
- 1 min read
by BRT @News | March 3, 2026

Photo FIle
Nagpatupad na ang pamahalaan ng deployment ban para sa first-time overseas Filipino workers (OFWs) na patungo sa ilang bansa sa Middle East dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
Ito ay matapos itaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level 2 ang sitwasyon sa United Arab Emirates, Bahrain, Qatar, Kuwait, at Israel.
Kapag nasa Alert Level 2 ang isang bansa ay awtomatikong ipinagbabawal ang deployment ng mga bagong OFW doon.
Samantala, nananatili ang mas mahigpit na alerto sa ibang lugar sa rehiyon.
Nasa Alert Level 3 ang Lebanon na nagbabawal sa pagpapadala ng mga manggagawa, habang Alert Level 4 naman sa Iraq at Syria, at Alert Level 1 ang Jordan.




Comments