DepEd, bumili ng 172K MacBook para sa mga guro

ni Mylene Alfonso @News | November 4, 2026

Photo: File / Apple Macbook Neo - Satechi
Bumili ang Department of Education (DepEd) ng 172,654 Apple MacBook Neo laptops para sa mga guro at kawani ng pampublikong paaralan, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, nagkakahalaga ng humigit-kumulang P43,000 ang bawat MacBook Neo, na mas mababa ng P6,900 kumpara sa regular na presyo. May kasama rin itong limang taong warranty, productivity tools at pagsasanay para sa mga gagamit nito.
Nakatakdang ipamahagi ang mga laptop mula Nobyembre 2026 hanggang Marso 2027 sa buong bansa.
Bahagi rin ng programa ang pakikipagtulungan ng DepEd sa Apple para sa Guru XL training program upang higit na mapahusay ang paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo ng mga guro.
Ayon naman sa Apple CEO na si John Ternus, ito ang pinakamalaking kontrata ng Apple sa sektor ng edukasyon para sa Mac.





Comments