DENNIS, SINOPLA SI PATRICK SA PASABOG VS. JENNYLYN

ni Vinia VIvar @Frankly | October 1, 2026

Photo: Dennis Trillo at Patrick Garcia - IG / YT Ogie Diaz
Naglabas ng kani-kanilang pahayag at reaksiyon ang kampo ni Jennylyn Mercado hinggil sa mga naging pahayag ng ex-boyfriend ng aktres na si Patrick Garcia sa panayam nito sa latest vlog ni Ogie Diaz sa YouTube (YT) uploaded last Tuesday.
Sa nasabing panayam ay maraming naging rebelasyon ang aktor hinggil sa nakaraang relasyon nila ni Jen kung saan nga ay nagbunga ito ng isang anak na si Alex Jazz.
Isa sa mga nilinaw ni Patrick ay hindi raw niya iniwan si Jennylyn noong buntis ito sa kanilang anak at ang aktres daw mismo ang unang lumayo sa kanya.
Sinabi rin niya na panay ang reach out niya noon sa aktres pero hindi ito sumasagot hanggang sa nalaman na lang niya na may bago na itong boyfriend, ang aktor-TV host na si Andrei Felix.
Tungkol naman sa kanilang anak, taong 2017 pa raw niya huling nakita si Jazz dahil hindi raw sumasagot si Jen sa lahat ng messages niya sa tuwing magri-reach out siya patungkol sa bata.
Sinabi rin ng aktor na 18 years niyang itinago ang kanyang side of the story at nagdesisyon siyang magsalita ngayon dahil in-encourage siya ng kanyang anak na si Michelle na naba-bash na raw dahil sa akusasyon ng mga netizens na wala siyang kuwentang ama.
Bilang sagot, unang nag-post ng official statement ang management ni Jen na Aguila Entertainment kahapon, Miyerkules, September 30.
Ayon sa statement, hindi na raw magbibigay pa ng pahayag o anumang interview si Jen tungkol sa naging pahayag ni Patrick.
“Our artist, Jennylyn Mercado, will not comment or grant any interviews regarding Patrick Garcia’s statements on Ogie Diaz’s YouTube (YT) channel. Everyone is entitled to share their story on whatever platform they choose,” simula ng statement.
Nakasaad din na mas pinili na lang ng actress na huwag magsalita bilang respeto na rin sa kani-kanilang pamilya ni Patrick at nakiusap sa publiko na tigilan na ang pamba-bash sa pamilya ng aktor, lalung-lalo na sa anak nitong si Michelle.
“In this case, Jennylyn would rather not share her side of the story out of respect for the privacy and peace of mind of both her family and Patrick’s.
“Jennylyn asks the public to stop the hate and refrain from bashing Patrick’s family, especially his daughter, Michelle.
“Rest assured that Jennylyn and her son, Jazz, are living a good and happy life with her husband, Dennis, daughter Dylan, and stepson Calix. Thank you,” saad ng management.
Samantala, hindi naman nakapagpigil ang mister ni Jenn na si Dennis Trillo at nag-post ng pasaring kay Patrick.
“‘Di ako pabor sa bashing, pero salamat at naalala mo si Jazz dahil sa pag-bash sa anak mo.
“O spread L(heart emoji)VE not Hate,” ang patutsada ni Dennis sa kanyang FB (as is).





Comments