top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

DENNIS, NAPALUHA NANG MARINIG NA IKAKASAL NA SI JULIA KAY GERALD

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 28, 2023
2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | March 28, 2023





Naluha si Dennis Padilla habang kausap ng ilang reporters after ng celebrity screening ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera).


Hindi tuloy alam kung ang pagluha nito ay dahil sa pelikula o sa mga tanong tungkol sa kanyang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto.


Nabanggit kasi ni Dennis na sa pelikula ni Director Joven Tan lang niya nalaman ang mga hirap na pinagdaanan ni Rey Valera sa buhay mula noong bata pa hanggang pasukin ang music industry at ang showbiz na rin.


Siya raw kasi ay hindi nakaranas ng ganu'ng hirap sa pagpasok sa showbiz dahil sa tatay niyang si Dencio Padilla. Kumbaga, may kapit na siya.


Na-push din ang career niya dahil sa Viva Films at kay Mr. Vic del Rosario. Pero si Rey, sariling sikap bago may tumulong.


Kaya sabi ni Dennis, kung gustong ma-inspire ng mga gaya ni Rey na aspiring singer and songwriter noon, panoorin nila ang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.


Nang matanong tungkol kay Julia, lalong napaluha si Dennis, lalo na nang banggitin ng mga reporters na baka ikasal na ang anak niya kay Gerald Anderson. Hindi na nagsalita si Dennis para siguro iwas-gulo.


Nabanggit din ng kasamahan naming si Melba Llanera na nang makausap niya si Leon sa isang event, nabanggit nito na open siyang makausap si Dennis at nami-miss na niya ang ama.


Lalong naluha si Dennis at ang sabi, nami-miss na rin niya ang anak. Sana raw ay magkita at magkausap na silang dalawa.


Anyway, maganda ang role ni Dennis sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko at kinanta pa niya ang ilang lines ng composition ni Rey na Maging Sino Ka Man kung saan kasama rin siya noon sa movie.


Ipinagmamalaki nga ni Dennis na nanalo siya ng acting award sa nabanggit na pelikula.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page