DENNIS DA SILVA, INABSUWELTO NG 14-ANYOS NA NI-RAPE RAW NIYA
- BULGAR

- Jan 23, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 23, 2021

Maraming nagulat na listeners-viewers nang biglang dumulog sa programang Wanted sa Radyo ni Raffy Tulfo ang isang babaeng nagngangalang Kadean Paz, ang dahilan kung bakit nakulong ang dating That's Entertainment member na si Dennis da Silva.
Fourteen years old lang noon si Kadean nang kasuhan ng rape at child abuse ang aktor na nakarelasyon.
Nineteen years nang nakakulong si Dennis at ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob ang ex-GF niya na lumitaw upang sabihin na hindi totoong siya ay na-rape ng dating matinee idol. Kagustuhan din daw niya ang nangyari.
Ngayon ay nagi-guilty si Kadean sa nangyari sa dating nobyo kaya gusto na niyang ibunyag ang katotohanan sa publiko kaya nagpapatulong siya sa programa ni Raffy Tulfo.
Ibinunyag din ni Kadean na may anak sila ni Dennis da Silva na ngayon ay 18 yrs. old na.
Pero, too late na ang paglantad ng dating nobya ni Dennis dahil hindi na raw puwedeng iapela pa sa korte ang kaso dahil lumipas na ang takdang panahon para umapela.
Ang tanging paraan upang makalaya si Dennis da Silva ay kung ilalapit niya ang kaso kay Pangulong Rodrigo Duterte para mabigyan siya ng presidential pardon.
Well, kaawa-awa ang naging kapalaran ni Dennis da Silva dahil nakulong at nagdusa siya nang 19 yrs. nang wala naman pala siyang kasalanan. Nasira ang kanyang showbiz career pati na ang kanyang pangalan.
Naalala namin, during That's Entertainment days, sobrang na-in love noon kay Dennis da Silva si Ruffa Gutierrez, na siyempre, hinarang at tinutulan ni Annabelle Rama.




Comments