DENIECE, SINOPLA NG NETIZENS SA PAGDIDIING NI-RAPE NI VHONG
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 6, 2022

Trending ang “We Stand With Vhong” at “#StayStrongVhong" sa Twitter kahapon.
Last Friday kasi ay mabilis na kumalat ang balitang sinampahan ng Taguig City Prosecutor’s Office ng kasong panggagahasa ang komedyante at TV host na si Vhong Navarro.
Nagpakita ng suporta ang mga followers ni Vhong sa Twitter. Ramdam ng mga netizens ang bigat sa kalooban na pinagdaraanan ni Vhong.
“Never give up no matter how hard the situation is We Stand With VHONG #StayStrongVhong”
“It'll be fine. We believe in you. Nandito lang kami lagi, Sir. We love you sooo muchhh @VhongX44!”
Mababasa rin sa thread ng mga followers ni Vhong na nagpakita ng suporta sa kanya ang pagpapahayag ng kanilang pagkadismaya sa muling pagsasampa ng kaso laban sa TV host.
“Just stop it. Why even kiss with Cedrick Lee at the elevator after the incident? Kitang-kita ang motibo n'yo noon pa man. We Stand with Vhong #StayStrongVhong,” sey ng isang netizen.
Si Cedrick Lee ang negosyanteng sumaklolo kay Deniece nang akusahan nga nito si Vhong na diumano'y ni-rape siya sa loob ng kanyang condo unit.
Ang grupo rin ni Cedrick ang sinasabing nambugbog noon kay Vhong.
Habang nagte-trending ang “We Stand With Vhong” at “#StayStrongVhong,” halos kasabay na lumabas din ang post ni Kat Alano sa Twitter na tila kumokontra sa pagpapakita ng suporta sa sinasabing rapist ng dati ring host.
Tweet ni Kat, “Either you stand with a rapist, or you stand with the truth. Time to #pickaside.
Rape is rape. No amount of corruption is going to change that.”
Walang binanggit na name si Kat pero gets agad ng mga netizens kung ano at sino ang pinatutungkulan ng tweet niya. Kaya lang, imbes simpatya, pamba-bash ang inabot ni Kat mula sa mga netizens.
“Asus. Sakay pa! Dami paliguy-ligoy, truth-truth, takot namang magsalita. 'Di lang ikaw ang dapat pakinggan sa mga drama mo, ateng.”
“Hija, magsampa ka ng kaso, 'wag puro tweets lang.”
“'Di ko maintindihan. Kung gusto niya ng justice, then she should do it in a proper forum.
Walang mangyayari kung puro tweet lang. How can people support her kung puro one-liner lang. She would be more believable if she told her story.”
“Ginawa niya nang career 'tong allegations niya. Puwede naman siyang mag-file ng kaso.”
May mga nagtanggol din kay Kat.
“'Kaloka mga comments. 'Kala n'yo ba, madaling magsampa ng kaso? Especially may mga kagaya n'yo na nasa 1950's pa mentality?”
“Financial problem.”
Say ng ibang netizens, may mga libreng abogado naman daw. 'Ika nga ng kasabihan, 'pag gusto, may paraan, 'pag ayaw, maraming dahilan.
Incidentally, anniversary pala ni Vhong at wifey niya na si Tanya recently. Fourteen years na sila as a couple pero three years pa lang bilang mag-asawa.
Nagpakasal sina Vhong at Tanya sa Kobe, Japan noong November, 2019.
Nag-post si Tanya ng picture nila ni Vhong habang nagdi-dinner with matching madamdaming mensahe para sa kanyang mister.
Caption ni Tanya, “Celebrating how God is making our crazy life together stronger and even more beautiful. I love you always, Vhong.”
In the same manner, nag-post din ng pagbati sa kanilang anibersaryo si Vhong para kay Tanya sa Instagram.
“Maraming salamat, Lord, dahil ibinigay mo siya sa 'kin. Pinag-isa mo kami para manatiling matatag sa isa’t isa at mag-aalalayan habambuhay. Maraming salamat, Mahal, dahil lagi kitang nasa tabi sa hirap at ginhawa. Happy 14th Anniversary and Happy 3rd Wedding Anniversary! I love you so much,” mensahe ni Vhong.
May-I-greet naman sina Vhong at Tanya sa comment section ng mga kasamang hosts ni Vhong sa It’s Showtime na sina Jhong Hilario, Karylle at Amy Perez.





Comments