Delta variant pinakamapanganib kuno, hindi naman totoo!
- BULGAR
- Nov 28, 2021
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | November 28, 2021
MAY bagong variant ang COVID-19.
Ito ay para maibenta ang bilyun-bilyong doses ng COVID-19 vaccine na minamanupaktura ng mga multi-national drug companies.
Tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
OMICRON variant ang tawag sa bagong COVID-19.
Higit na mapanganib kuno ito kaysa sa Delta!
◘◘◘
SA totoo lang, ipinantakot ng WHO ang Delta variant na siyang pinakamabagsik sa lahat ng variant.
Pero, napatunayang hindi totoo, bagkus ay ito ang nagpasimula ng pagkatunaw ng COVID-19!
◘◘◘
NGAYON, nakikisali ang gobyerno sa pananakot sa taumbayan.
Pero, wala nang kredibilidad ang WHO at gobyerno!
◘◘◘
PAGOD na populasyon ng mundo sa dispalinghadong impormasyon mula sa WHO.
Mas dapat ilibre ang anti-pneumonia at anti-flu vaccines upang mabawasan ang bilang ng mga nagkakasakit at namamatay!
◘◘◘
INILILIHIM ng DOH na pinakaepektibong pangontra laban sa sintomas ng COVID-19 ay ang anti-pneumonia anti-flu vaccines.
Pero, ayaw nilang ibigay ito nang libre sa taumbayan!
◘◘◘
KAPAG totoo na mapanganib ang omicron, guguho ang maraming gobyerno kabilang ang Pilipinas.
Ito ay kapag muling nagpatupad ng lockdown na walang kapararakan!
◘◘◘
ANG epekto ng omicron ay mararanasan makaraan ang Mayo 2022 election.
Kaaawa-awa ang susunod na mauupo sa Malacañang!
◘◘◘
ANG mauupo sa Malacañang ay papasan ng higit sa P11 trilyong utang.
Kailangan din niyang resolbahin ang epekto ng omicron!
◘◘◘
HINDI pa dapat magsaya ang mga Pinoy.
Patuloy pa rin kasi ang pagbabanta ng WHO!
◘◘◘
KALIWA’T kanan ang dumaranas ng depresyon.
Marami ang namamatay sa alta-presyon, stroke at heart attack sanhi ng stress!
◘◘◘
ANG bangkaroteng ekonomiya ay nagbubunsod ng depresyon sa mga head of the family, solo-parent.
Hindi sila sinasaklolohan ng pamahalaan!
◘◘◘
WALANG epektibong programa ang gobyerno sa kabuuang ng 2022.
Ito ay sa gitna ng napipintong krisis sa ekonomiya!





Comments