top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Delta, matibay sa semis, Republicans naka-playoffs

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 8, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 8, 2021





Sinigurado ng DF Bulacan Republicans ang puwesto sa Chooks To Go National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup 2021 playoffs matapos masungkit ang pinaghirapang 117-108 panalo sa overtime kontra Laguna Pistons Sabado ng gabi mula sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga. Sa sumunod na laro, pormal na napunta sa Pampanga Delta ang numero unong puwesto sa playoffs sa bisa ng 108-88 na pagdurog sa Taguig Generals.


Kinailangan ng Republicans ang mahalagang puntos nina Neil Joshua Moralejo at Ryan Spencer Operio upang wakasan ang dalawang sunod na talo at tapusin ang elimination sa 6-3 panalo-talo


Ipinasok ni Moralejo ang pito sa 13 puntos sa overtime na may kasamang 7 rebound at 8 assist. Nanguna sa Republicans si Reyes na may 28 puntos, Operio na may 20 at Dominick Fajardo na may 18.


Saglit nakatikim ng abante ang Taguig, 13-7, subalit mag-isang gumawa ng pitong magkasunod na puntos si CJ Gania upang ilipat sa Pampanga ang lamang at hindi na lumingon pa. Umabot ng 30 ang lamang na may 4:34 sa 4rth quarter, 102-72, salamat sa 3-point play ni Levi Hernandez.


Parehong nagsumite ng tig-16 puntos sina Gania at Rhanzelle Yong para sa kanilang ika-walong panalo sa siyam na laban. Sumunod sina Hernandez at Florencio Serrano na may 15 puntos bawat isa.


Dahil numero uno, pasok na agad ang Delta sa best of three semifinals at maghihintay ng makakalaro mula sa mga magwawagi sa quarterfinals na paglalabanan ng mga koponan na magtatapos sa 3rd hanggang 6th place. Hihintayin pa ang resulta ng huling araw ng elimination upang matiyak ang pagkasunod-sunod ng mga koponan at sino-sino ang magtatapat.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page