top of page
Search
  • BULGAR

Delta at Republicans, pakay ang semis sa Chairman's Cup

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 2, 2022



Semifinals ang parehong layunin ng defending champion Pampanga Delta at DF Bulacan Republicans sa nag-iisang laro ng 2022 National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos City ngayong Biyernes simula 5:30 ng hapon. Sisikapin ng Delta na manatiling perpekto sa taas ng liga at maitala ang kanilang ika-pitong panalo habang hindi malayo ang Republicans sa 6-1.


Galing ang Delta sa higanteng tagumpay noong nakaraang Linggo kontra La Union PAOwer, 93-90, sa Fuerte CamSur Sports Complex. Ginawaran ng kanyang ikalawang sunod na Best Player si MJ Garcia matapos magsumite ng 26 puntos at 11 assist at sinundan ni Archie Concepcion na may 25 puntos.


Nagsama ang dalawa para sa pitong sunod-sunod na puntos na nagpaakyat sa 85-75 ang lamang at 5:29 sa fourth quarter. Nakalapit ang La Union, 88-92, subalit kinapos sila sa oras.


Huling naglaro ang Bulacan noong Nobyembre 11 sa pagdaig sa bisitang Quezon City All-Stars, 104-95. Aasahan muli ang patuloy na mahusay na ipinapakita ng mga forward Gabe Capacio at RV Jumaquio, mga gwardiya Julius Felix Lorenzo at Christian Necio at shooter Dict Benedictos.


Wawakasan ng Pampanga at Taguig Generals ang elimination round sa Linggo sa Rodriguez Municipal Gymnasium sa lalawigan ng Rizal. Tulad ng Bulacan, may kartadang 6-1 ang Generals at malaki din ang pag-asa na mapabilang agad sa semifinals at iwasan ang delikadong quarterfinals.


Tiyak na ang CamSur Express (4-4) at Quezon City (3-5) sa quarterfinals at maghihintay na lang kung sino ang kanilang makakalaro. Kailangan din nila manalo ng dalawang sunod upang malampasan ang twice to beat at tumuloy sa semis na seryeng best-of-three.


Laro ngayong Biyernes – Bulacan Capitol Gym, Malolos 5:30 PM Bulacan vs. Pampanga

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page