Delta at Lady Aces, sakalam sa NBL/WNBL
ni Anthony E. Servinio - @Sports | October 25, 2021

Ipinamalas ng Pampanga Delta kung bakit sila ang numero uno sa Chooks To Go National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup 2021 nang ilampaso ang La Union PAOwer, 117-58, Sabado ng gabi sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga. Nakapulot din ng mahalagang panalo ang Muntinlupa Water Warriors sa Laguna Pistons, 89-79, upang palakasin ang tsansa na makapasok sa playoffs.
So sobrang lakas ng Delta, hanggang kalahati ng 3rd quarter ay nagbanta si Levi Hernandez na higitan ang puntos ng PAOwer. Nakatala na ng 25 puntos si Hernandez at lamang ang Pampanga, 74-26, at kahit nagpahinga ay umabot pa ng 114-59 ang lamang papasok sa huling 2 minuto. Nagtapos si Hernandez na may 28 puntos sinundan siya ni Rhanzelle Yong na may 21.
Samantala, magkaibang resulta ang natamasa ng Paranaque at umarangkada ang Paranaque Lady Aces sa perpektong 5th win sa Women’s National Basketball League (WNBL) 2021 sa bisa ng 76-35 pagparusa sa Pacific Water Queens. Sa NBL, nakamit ng Mindoro Disiplinados ang unang panalo sa torneo at pinalubog ang Paranaque Aces sa dalawang overtime, 90-87.





Comments