top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Delivery boy, nilait na walang utak… NETIZENS KAY MON: MATAPOBRE!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 16, 2022
  • 1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 16, 2022


Kinuyog ang brodkaster na si Ramon Tulfo sa social media pagkatapos maliitin ang isang delivery boy.


Nagkaroon ng palitan ng usapan sa socmed si Ramon at ang delivery boy dahil sa pagkakahuli sa anak ni Justice Secretary Boying Remulla na si Juanito Jose Remulla III dahil sa drugs.


Hinihiling ng mga netizens na mag-resign si Sec. Remulla.


Dinepensahan naman ni Ramon Tulfo si Sec. Remulla at sinabihan ang mga netizens na huwag husgahan ang Department of Justice head.


Comment ng delivery boy, “'Di po siya ordinaryong tao, siya po ay sec. ng Justice, kaya dapat siya mag-resign. Nakakahiya po 'yan, sarili niyang anak, 'di niya kayang malinis.”


Reply ni Ramon, “Hu, nagsalita ang delivery boy! Usapan ng mga intelihenteng tao ito.”


Nag-react ang delivery boy sa sinabi ni Ramon, “Ramon Tulfo, salamat po sir, salamat po sa ganu'n lang kaliit sa tingin ninyo naming mga anak ng mahirap ng patuloy kumakayod makaraos sa kahirapang aming tinatamasa. Lumalaban ng patas, hindi gaya ng anak ng Justice Secretary (published as is),” say pa ng delivery boy.


Heto naman ang reaksiyon ng mga netizens kay Mon…


“Matapobre pala itong Mon Tulfo na ito. Mababa ang tingin sa karaniwang manggagawa.”


“The delivery boy responded with more grace (and intelligence) in the face of gaslighting than the one who called him a mere delivery boy. Ang pagiging disente ay wala sa pagka-mayaman o mahirap. Character trumps wealth or education.”


“Will someone punch Ramon Tulfo again for belittling a delivery rider?”

'Yun na.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page