Defense Sec. ng Pilipinas, atras ang “balls” sa China
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 14, 2021
IPINAKITA NI LORENZANA SA MUNDO NA ATRAS ANG “BALLS” NIYA SA CHINA—Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, na kaya hindi lumahok ang Pilipinas sa naval drills ng Amerika at iba pang bansa sa South China Sea noong nakaraang taon ay dahil “watching daw ang China” o palaging nagmamatiyag sa bansa ang China.
Dahil “watching din ang mundo” sa sinabing ‘yan ni Lorenzana ay alam na ngayon ng mundo na ang defense secretary ng Pilipinas ay atras ang “balls” sa China, boom!
◘◘◘
WALANG PAMBILI NG BAKUNA, PERO MAY PAMBILI NG 32 HELICOPTERS?—Inatasan ni P-Duterte si Sec. Lorenzana na bumili ng 32 helicopters para sa Philippine Air Force (PAF).
Hay naku, si P-Duterte na ang nagsabi na walang pera ang Pilipinas pambili ng COVID-19 vaccines, at kailangan pang mangutang para may ipambili ng bakunang ipantuturok sa mga Pilipino upang makaligtas sa deadly virus, pero pambili ng helicopters, meron? Buwisit!
◘◘◘
HUWAG SANANG PULITIKO LANG ANG MAKINABANG SA BIBILHING HELICOPTERS—Kapag nakabili na ng 32 helicopters si Lorenzana, saan kaya ito gagamitin?
Ilang beses na kasing sinabi ni P-Duterte na kaya hinahayaan na lang ng kanyang gobyerno na sakupin ng China ang mga teritoryo ng Pilipinas sa WPS ay dahil ayaw niyang makipaggiyera, at sa tema nang salita, kamakailan ni Lorenzana ay nagpapakita ito ng takot sa China, na kaya raw hindi lumahok sa naval drills sa South China Sea ang Pilipinas ay dahil “watching daw ang China.”
Huwag sanang mga pulitikong kakandidato sa 2022 election lang ang makinabang sa mga helicopter na bibilihin, na gamitin nilang sasakyan para mangampanya sa iba’t ibang lugar sa bansa, period!





Comments