Dedma sa mister… HEART, 'DI BINATI SI SEN. CHIZ SA B-DAY
ni Nitz Miralles - @Bida | October 11, 2022

Birthday ni Sen. Chiz Escudero kahapon, October 10, at inabangan kung may birthday greetings sa kanya ang asawang si Heart Evangelista sa social media accounts ng senator. Pero, walang nabasang birthday greetings ni Heart sa asawa at umaasa ang mga nagmamahal sa dalawa na binati ni Heart si Chiz in private.
Si Sen. Robin Padilla, hindi nakalimot at binati ng maligayang kaarawan ang kapwa senador at nagpasalamat sa kanya si Chiz.
May mga netizens din na bumati kay Chiz and in fairness, walang nag-Marites at nagtanong kung may birthday greetings sa kanya si Heart.
Sa DP pala ni Chiz sa Instagram, nakasulat ang “Doting Dad. Happy Husband. Proud Public Servant.”
Pinansin din at nakikitang suot pa rin nito ang wedding ring, kaya marami ang umaasa na maaayos pa rin ang anumang problema nila ni Heart na nasa Paris, France pa yata.





Comments