Dedma sa mga bashers… TONI, TODO-ENJOY SA PANGANGAMPANYA PARA KINA BBM AT SARA
- BULGAR
- Mar 15, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 15, 2022

Dedma sa mga bashers at enjoy sa pangangampanya sa sinusuportahan niyang UniTeam nina presidential candidate Bongbong Marcos at vice-presidential candidate Sara Duterte si Toni Gonzaga.
Tahasan na ring tinatawag ni Toni ng 'My President' si BBM. Lahat ng campaign rallies nina BBM at Sara ay kasama si Toni.
Kaya naman, laging may baong magagandang awitin para sa audience nina BBM at Sara si Toni. Grabe ang impact niya sa audience at naghihiyawan ng BBM-Sara.
Katunayan, viral ang nasabing campaign rally with Toni Gonzaga around na naganap sa Sta. Rosa, Laguna last March 11. After niyang mag-perform ay nagsalita si Toni, “Kaisa po ako sa inyo na sumusuporta at nagmamahal sa UniTeam."
Matatandaang few weeks ago, ang kinanta ni Toni ay ang Roar ni Katy Perry. Viral din ang nasabing performance ng Multimedia Actress kung saan nakatuwaan pa ngang panoorin nina Angel Locsin nang mag-reunion silang magkakaibigan with Anne Curtis, Angelica Panganiban, Bea Alonzo at Dimples Romana.
Komento ng mga netizens sa performance ng misis ni Direk Paul Soriano…
“No words to express. Toni, go, go, go!”
“Congrats, idol, dumadami na subs mo, more power and keep safe always. Solid BBM LOYALIST. WATCHING FROM THAILAND.”




Comments