top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dedma sa kampanya… ARCI, TUMATAKBONG KONSEHAL PERO TODO-RAMPA SA TATE

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 28, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | March 27, 2022




Nagkita sa Los Angeles, California sina Piolo Pascual at Arci Muñoz at may mga nag-ship agad sa dalawa. Sana raw, bigyan uli sila ng ABS-CBN ng project together dahil marami ang nakaka-miss sa kanila.


Sa photo na magkasama sila ni Piolo, ang caption ni Arci ay “Missed ya so bad papi!!! @piolo_pascual” at sa isa pang photo, kasama ni Arci ang pamilya ni Piolo.



May mga nanghinayang naman na wala na sa L.A. si KC Concepcion, may chance raw sana na magkita sila ni Piolo. Nasa bansa na kasi si KC at isa sa mga ginagawa nito ay tumutulong sa kampanya ni Sen. Kiko Pangilinan.


May nagtanong pala kay Arci kung tuloy ang pagkandidato niyang konsehal sa Cainta dahil nasa Amerika siya. Hindi siya nakakapangampanya. Baka after elections na bumalik ng bansa si Arci na tumatakbong konsehal sa tiket ni Alvin Patrimonio na tumatakbong mayor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page