Dedma raw sa ibang girls… KOBE, LOYAL KAY KYLINE
- BULGAR
- Apr 10
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 10, 2025
Photo: Kyline Alcantara at Kobe Paras - Instagram
Habang nagtatagal ay lalong lumalalim ang relasyon nina Kyline Alcantara at Kobe Paras. Halos hindi na sila naghihiwalay at kita na super in love sila sa isa’t isa.
Natagpuan na ni Kobe ang kanyang “the one” sa katauhan ni Kyline at bentahe sa kanilang career ang kanilang nabuong love team bilang KyBe (Kyline at Kobe) dahil kinukuha na silang endorsers ngayon.
Mala-BarDa at KimPau na rin ang KyBe tandem. Marami ang nagsasabing meant for each other sina Kyline at Kobe, naging inspirasyon nila ang isa't isa.
Si Kobe Paras, kahit maraming chicks ang nagpaparamdam ay hindi niya pinapansin dahil tapat siya kay Kyline.
Wish ng kanilang mga fans, sana ay huwag silang matulad kina Barbie Forteza at Jak Roberto, ganoon din kina Mikee Quintos at Paul Salas na nauwi sa paghihiwalay ang dating magandang relasyon.
Nakaka-proud ang maging GF ni Dominic Roque dahil maraming kababaihan ang nangangarap na maging boyfriend ang ex ni Bea Alonzo.
Husband material kasi si Dominic at napaka-hard working. Puwede siyang ipagmalaki ng sinumang babae.
Gayunpaman, may pressure pa kay Sue Ramirez ang makarelasyon si Dominic. Hindi kasi maiaalis na ikumpara si Sue kay Bea Alonzo na bukod sa sikat at maganda, eh, billionaire pa, kaya hindi dapat na pabayaan ni Sue ang kanyang physical looks upang kahit papaano ay may maipantapat siya sa ganda ni Bea.
Kaya naman, pinaghandaan nang husto ni Sue Ramirez ang pagrampa sa ABS-CBN Ball 2025 kasama si Dominic Roque. Alam niyang maraming fans ni Bea ang nag-abang kung kaya niyang pantayan ang aktres.
EXCITED si Alden Richards sa pelikulang Out Of Order (OOO) dahil bukod sa siya ang bida rito ay siya pa rin ang direktor. Si Heaven Peralejo ang kanyang katambal sa movie.
Ang OOO ay isang court drama kaya dapat magagaling ang mga artista at magsisiganap dito.
Nasa cast ng movie ang lady boss ng GMA Network na si Atty. Annette Gozon. Markado ang role rito ni Atty. Annette, at hindi guest appearance lang.
Lumabas ang kanyang galing sa pag-arte at malaki ang tiwala ni Direk Alden kay Atty. Annette.
Well, maganda ang partnership ngayon ni Alden sa Viva Entertainment. Marami siyang matututunan kay Boss Vic Del Rosario sa pagpapalakad ng negosyo. Magkakatulungan sila sa pag-produce ng pelikula, concert, shows at special events.
Maging sa food business ay natutulungan din si Alden ni Boss Vic Del Rosario at willing to learn si Alden dahil gusto niyang protektahan ang perang kanyang pinaghirapan.
FOR the longest time, hindi isine-share ng comedienne na si Chariz Solomon ang kanyang pribadong buhay, lalo na ang kanyang love life. Nagawa niyang itago at ilihim sa publiko na hiwalay na sila ng kanyang mister na si Nestor Ng noon pang 2018.
Six years ding tumagal ang kanilang marriage, at may dalawa silang anak na lalaki, edad 11 at 9.
Taong 2019 nang mag-file ng annulment si Chariz Solomon. At na-grant lang ito last January 2025 dahil inabutan ng pandemic.
Well, no regrets si Chariz na nagpakasal siya kay Nestor, marami namang masasayang memories sila sa kanilang marriage. Hindi lang naiwasan na may mga problema at pagsubok na dumating sa kanilang pagsasama. Nag-iba na rin ang mga plano nila sa buhay.
Aminado naman si Chariz na may pagkukulang siya sa kanyang tungkulin bilang wife. Mas nag-focus kasi siya sa kanilang mga anak.
Ganunpaman, naghiwalay sila ni Nestor Ng bilang magkaibigan. Kailanman ay hindi niya siniraan ang kanyang ex-husband, dahil ito pa rin ang tatay ng dalawa nilang anak.
Sa ngayon ay pareho na silang naka-move on at nakahanap ng kani-kanyang partner sa buhay. Isang non-showbiz guy ang nagpapasaya ngayon kay Chariz at kahit nagkaroon ng problema ang kanyang marriage noon, tuloy ang showbiz career ni Chariz.
Regular cast siya sa Bubble Gang (BG) at sa sitcom na Pepito Manaloto (PM). May movie rin siya, ang Samahan ng Mga Makasalanan (SNMM) kasama sina Sanya Lopez, David Licauco, Buboy Villar, at Betong Sumaya.
Comments