Dedma pa rin sa pamilya nu'ng Pasko… CARLOS AT CHLOE, TODO-LUSTAY SA KAYAMANAN
- BULGAR

- Dec 30, 2024
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 30, 2024
Photo: Chloe at Carlos Yulo - IG
Balitang nag-aalala ang mga taong nagmamalasakit sa two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo dahil sa patuloy nilang paglustay ni Chloe San Jose sa milyones na kinita niya.
Puro luho tulad ng pamamasyal abroad at pagsa-shopping ang kanilang ginagawa, gayung wala namang perang pumapasok.
Sunud-sunuran na lang si Carlos sa mga kapritso ng nobyang si Chloe. Hindi niya namamalayan na unti-unti nang nasasaid ang milyones niyang kinita bilang gold medalist sa Paris Olympics 2024.
Hanggang ngayon ay negatibo pa rin ang imahe ni Carlos sa publiko dahil sa patuloy niyang pagtiis sa sariling pamilya, kaya wala na rin ang malalaking produktong nagkakainteres na siya ay kuning endorser.
Lumipas na rin ang kanyang kasikatan. Marami ring Pinoy ang dismayado kay Carlos Yulo dahil ni hindi siya naghatid ng pagbati sa kanyang magulang at mga kapatid noong
Pasko, gayung sa social media ay may Christmas greetings sila ni Chloe para sa ibang tao.
Ganito kataas ang pride ni Carlos Yulo, at hindi siya dapat tularan ng ibang kabataan ngayon. Hindi siya karapat-dapat na maging idolo.
PANGATLONG Best Actress award na pala ni Judy Ann Santos ang pagkakapanalo niya sa ginanap na 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards Night.
Una siyang itinanghal na Best Actress ng MMFF noong 2006 via the movie Kasal, Kasali, Kasalo (KKK). Ang second MMFF Best Actress trophy niya ay nakuha niya noong 2019 sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Mindanao.
At ngayong 2024, nanalo siyang Best Actress sa kanyang role sa horror movie.
Sey nga ni Judy Ann, hindi siya gaanong nag-expect na mananalo dahil pawang magagaling ang kapwa niya nominadong Best Actress tulad na lang ng Star for All Seasons na si Vilma Santos.
Ibang-iba rin ang role ni Vilma sa pelikulang Uninvited. Kaya ganoon na lamang ang gulat at tuwa ni Juday nang siya ang nanalong Best Actress.
Sa kanyang speech, pinasalamatan niya ang buong cast ng kanyang movie, ang kanyang producer, direktor, at inialay niya ang kanyang award sa mga mahal niya sa buhay.
BAGO pa ginanap ang Gabi ng Parangal ng MMFF 2024, marami na ang nagsasabing tiyak nang si Ruru Madrid ang mananalong Best Supporting Actor via his role sa pelikulang Green Bones (GB).
Markado ang kanyang character sa movie, at lutang na lutang ang husay niyang umarte. Match na match sila ni Dennis Trillo kaya marami ang naantig sa kanilang mga eksena.
As expected, si Ruru Madrid nga ang itinanghal na Best Supporting Actor ng MMFF 2024.
Ayon rin kay Ogie Diaz, naikuwento sa kanya ni Ruru na pinaghandaan nito nang husto ang kanyang character sa GB noong tinanggap niya ang project. Nag-undergo siya ng acting workshop bago nagsimula ang shooting. Bukod dito, may isang klase raw ng cologne na ginagamit si Ruru kapag nagsu-shooting siya ng GB upang lagi niyang maalala ang kanyang karakter na ginagampanan.
Maraming taong pinasalamatan si Ruru Madrid noong siya ay nanalong Best Supporting Actor. Pero mukhang nakalimutan niyang banggitin ang kanyang mentor, ang yumaong direktor na si Maryo J. Delos Reyes na siyang unang nagtiwala sa kanya nang isama siya sa pelikulang Bamboo Flowers (BF).










Comments