Dedma kay Jackie… KYLINE, TODO-ENJOY SA PALAWAN
- BULGAR
- May 5
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 5, 2025
Photo: Kyline Alcantara - IG
May pakiusap si Rikki Mae Davao, isa sa mga anak nina Jackie Lou Blanco at Ricky Davao, sa mga nakadalaw sa kanyang ama noong nasa ospital ito. Parang reminder na rin sa mga kaibigan ng actor-director — na tinawag ni Rikki Mae na mga “trusted” — ang kanyang pakiusap.
“For those that were trusted to visit my dad in the hospital, please do not post photos of him during this time out of respect for his privacy. Thank you.”
So far, wala pa naman kaming nakikitang hospital photos ni Ricky at ang nakita lang namin, kamay nito na may hawak na cellphone. Ito ‘yung time na pinapanood niya ang trailer ng Sinagtala: The Movie (STM) na kundi kami nagkakamali ay last movie niya. Inirespeto ng mga kaibigan ni Ricky ang privacy nito bago pa makiusap si Rikki Mae sa kanyang Instagram (IG) Stories.
Kaugnay nito, nag-post si Rikki Mae ng photo nila ng ama noong maliit pa siya at larawan nila na malaki na siya. May kasamang short message ang kanyang post at sabi, “I love you so much, Papa.”
Anak, nakiusap sa mga dumalaw…
PIKTYUR NI RICKY SA OSPITAL, BAWAL ILABAS
INALALA rin ni Rita Avila si Ricky Davao sa kanyang Instagram (IG) at sinamahan nito ang kanyang kuwento by posting photos nila ng aktor at ang last photo niya with Ricky kasama ang ilang kaibigan.
“My leading men in my first movie from Seiko Films The Sisters were Jestoni Alarcon and Ricky Davao.
“Ricky’s first directorial job was for MMK (ata) where I jumped into the Taal Lake from a banca. That was with Jay Manalo and if I remember it right, also with Vivian Foz and the late Ronaldo Valdez.
“The last time I saw him was at Jennifer Sevilla’s b-day party. Wala nang mahilig kumanta, magkuwento at magpatawa. Waaaaah!
“Rest in peace, Ricky, Condolences to the family.”
Karamihan sa mga posts at kuwento kay Ricky ay ang hilig nitong kumanta. Ang biruan nga, sa mga party, ‘wag ibibigay sa kanya ang microphone dahil kapag nagsimula na siyang kumanta, tuluy-tuloy na.
NASA El Nido, Palawan si Kyline Alcantara para magbakasyon at sa ipinost na photos, nasa small boat siya at nag-e-enjoy sa bakasyon with her friends.
Sa isang photo, nag-ihaw ng pusit sina Kyline at tiyak, a lot of swimming.
Nanguna sa nag-comment sa post ni Kyline si Marian Rivera. Wala itong sinabi, emoji lang ng red heart ang isa sa mga ipinost.
Pinasalamatan si Marian ng mga fans ni Kyline sa suporta and for loving her.
Tuloy ang pagpapahayag ng suporta ng kanyang mga fans kay Kyline at kapag may naligaw na basher, ang mga fans na ng Kapuso actress ang sumasalag.
Sabi ng mga fans, Kyline is healing quietly at ipinapakita nitong unbothered siya sa mga isyu na inilatag ni Jackie Forster.
‘Kaaliw lang at inakalang bina-bash ni Wendell Ramos si Kyline sa comment nitong “Arti, Arti, Huh!” kaya inaway ang aktor.
Ipinaalala sa umaway sa aktor na magkaibigan sina Wendell at Kyline at binibiro lang nito ang aktres.
Ang daming nag-like na celebrities sa post na ito ni Kyline, hindi pa yata nakikita ng mga bashers ni Kyline, kaya hindi pa sila inaaway at sinasabihang sawsawera. Kabilang sa nag-like si Pokwang at gusto naming marinig ang sagot niya kapag may umaway sa kanya dahil lang sa pagla-like ng post ni Kyline.
PUMASOK na si David Licauco sa Bahay ni Kuya bilang house guest, kapalit ni Donny Pangilinan. Siyempre, natuwa ang mga fans ni David dahil mapapanood nila sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ang Kapuso actor.
Kilalang honest sa pagsagot si David, wish ng mga fans, maging honest siya kapag natanong ng housemates sa kanyang love life.
Kung wala raw makukuhang sagot kay David, yayain na lang niyang lumabas sa Bahay ni Kuya si Dustin Yu na best friend niya at may viewers ang PBB na ayaw sa kanya.
May nag-comment naman na kaya lang papasok sa Bahay ni Kuya si David, para mag-promote ng movie niyang Samahan ng mga Makasalanan (SNMM). Ginawa na ito ni Sanya Lopez nang maging house guest at gagawin din ni David dahil magkasama sila sa nasabing pelikula.
Sa nagtanong kung ano’ng gagawin ni David sa Bahay ni Kuya, sagot ng mga fans, tuturuang mag-basketball ang hindi marunong nito dahil magaling na player ang aktor.
Puwede rin daw mag-share ng kaalaman sa negosyo si David dahil mahusay siyang businessman. Hintayin na lang ang mga gagawin niya sa loob.
Comments