top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Declare For Flare, sinisiw ang mga kalaban

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2021
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | December 27, 2021



Halos hindi pinawisan si Declare For Flare nang manalo sa 2021 PHILRACOM Japan Stakes race na kinasa sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite, kahapon.


Ginabayan ni Pabs Cabalejo, kumuha ng pangalawang puwesto si Declare For Flare pagbukas ng aparato para panoorin ang nasa unahan na si Ballet Champion.


Lamang ng limang kabayo si Ballet Champion pero hindi nasira ang loob ng Declare For Flare, papasok ng far turn ay dumikit na ang winning horse upang agawin ang unahan sa huling kurbada.


"Pinakain ng alikabok ni Declare For Flare ang mga kalaban," saad ni Allan Galvez, karerista. "Kahit may distansya pa hindi na aabutin baka lalo pang lumayo, ang mga kalaban ang mga tinalo nito ay siya pa rin ang mananalo.


Nilista ni Declare For Flare ang impresibong 1:19 minuto sa 1,300 meter race sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM). Nasikwat ni Declare For Flare ang P300,000 premyo, napunta kay second placer Ballet Champion ang P112,500 habang tig-P62,500 at 25,000 sina third at fourth placers na sina Victorious Princess at Rap Bell ayon sa pagkakasunod.


Samantala, makapigil-hininga ang panalo ni Ambisioso sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa pangatlong karera.


Napaangat sa kinauupuan ang mga karerista nang makitang rumeremate si Ambisioso sa rektahan, nagwagi ito ng nguso lang ang pagitan sa pumangalawang si Ultra Boost.


Akala ng mga nakataya kay Ambisioso na hindi ito lalampas dahil abante si Ultra boost ng tatlong kabayo sa huling 150 meter ng karera. "Napatayo ako at napalundag kasi akala ko hindi lalampas, mabuti na lang nakaungos," masayang hayag ni Joselito Ladiana, karerista.


Sinakyan din ni Cabalejo si Ambisioso na nakapagtala ng tiyempong 1:14.8 minuto sa 1,200 meter race.


Hinamig ni Ambisioso ang added prize na P100,000 na inisponsoran ng PHILRACOM.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page