Debbie sinaktan, idinemanda… XIAN KAY BARBIE: GAMITIN ANG UTAK, 'WAG PUSO!
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 5, 2022

“Out muna ako sa socmed for a few days. May i-date lang akong artista. Babush,” ang latest post ng tinaguriang lalaking Marites na si Xian Gaza sa kanyang Facebook account.
Ganito kasi ang istilo nito (na kasalukuyang naninirahan sa Bangkok, Thailand), kapag may bisita siya ay nawawala saglit at malalaman mo na lang kung sino ang kasama kapag tapos na.
Ganito ang nangyari noong nagkita sila ng influencer na si Zeinab Harake sa Singapore na nagbakasyon naman kasama ang kapatid at kaibigan.
Nataong naroon din si Xian at ilang araw siyang walang post at pagkatapos ay saka lang nito ikinuwento kung ano ang mga kaganapan nang magsama sila ng buong magdamag ni Zeinab para mag-inuman na inabot nang alas-otso ng umaga.
Going back sa post ni Xian kahapon, Biyernes, posible kayang pinalipad niya si Barbie Imperial ng Thailand ngayong weekend para damayan ito sa kanyang problema ngayon sa Viva talent na si Debbie Garcia na sinampahan siya ng tatlong kaso sa Quezon City Prosecutors Office — ang slight physical injury, grave slander at grave oral defamation?
Matatandaang nagkaroon ng gulo sa pagitan nina Barbie at Debbie sa isang bar and restaurant sa Quezon City na kung hindi kami nagkakamali ay part-owner ang Kapamilya star.
Nang pumutok ang gulo ay isa ang lalaking Marites sa nag-post sa kanyang FB page at sinabihan niyang pumunta si Barbie sa Thailand at aaliwin niya ito. Pero burado na ngayon ang nasabing post.
At dahil sa patung-patong na kasong ito ni Barbie ay may payo si Xian sa kanya.
“Sabi ko kay Barbie, 'Big lesson learned na ‘yan for you. Huwag na huwag ka na ulit magpapadala sa silakbo ng damdamin dahil walang maidudulot 'yan kundi kapahamakan lamang. Ayan tuloy, nakasuhan ka. Tingnan mo ako, utak (ang) ginagamit ko at all times. Palaging may kalaban pero hindi nila mabutasan.
“'Never let your emotions overpower your intelligence. Never. Kung gusto mo talagang maging successful sa buhay, the right formula is 70% utak and 30% puso.'”
Bukas ang BULGAR sa panig nina Xian at Barbie kung totoong magkasama sila ngayon sa nasabing bansa.





Comments