top of page

Death o disability claim sa ilalim ng Employees' Compensation Program, puwedeng i-file sa SSS o GSIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 24, 2023
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 24, 2023


Dear Chief Acosta,


Ako ay dating driver ng truck sa isang logistics company. Sa kasamaang palad, ako ay nadawit sa isang aksidente na nagdulot sa pagkaputol ng aking kaliwang binti. Mabuti na lamang at mayroon kaming naipundar ng aking misis na isang maliit na tindahan kung saan namin kinukuha ang aming pangtustos sa araw-araw at pambili ng gamot para sa aking patuloy na pagpapagaling. Dalawang taon na ang nakalilipas at ngayon pa lamang ako nagkaroon ng lakas para lumabas at mag-claim ng compensation sa aking disability. Maaari pa ba akong makasingil? – Fred


Dear Fred,


Para sa inyong kaalaman, mayroong alituntunin na nakasasaklaw sa iyong katanungan. Ayon sa Section 6, Rule VII of the Amended Rules on Employees' Compensation, nakasaad na:


“SECTION 6. Prescriptive period. – (a) No claim for compensation shall be given due course unless said claim is filed with the System within three years from the time the cause of action accrued. (as provided under ECC Resolution No. 2799, July 25, 1984).

(b) Reckoning Date of the Three-Year Prescriptive Period.

b.1. Sickness - from the time the employee lost his earning capacity (as amended by BR No. 11-04-10, April 28, 2011)

b.2. Injury - from the time it was sustained (as provided under BR No. 93-08-0068, August 5, 1993 which was reiterated in Circular No. 03-709, dated July 22, 2009)

b.3. Death - from the time of death of the covered employee. (as provided under BR No. 93-08-0068, August 5, 1993 which was reiterated in Circular No. 03-709, dated July 22, 2009)"


Sang-ayon sa nabanggit, ang death o disability claim sa ilalim ng Employees' Compensation Program ay maaaring i-file sa SSS o GSIS, sa loob ng 3 taon mula nang ito'y natamo. Kung ang suliranin ay bunga ng pagkakasakit, ang claim ay maaaring i-file 3 taon mula sa pagkakawala ng kakayahang makapagtrabaho o makapaghanapbuhay.


Kung ang suliranin ay bunga ng pagkakaroon ng injury o kapansanan, ang claim ay maaaring i-file 3 taon mula nang ito ay nakuha. Sa pagkakataon namang ang suliranin ay nagdulot ng pagkamatay, ang iyong mga benepisyaryo ay maaaring mag-file ng claim 3 taon mula sa iyong pagpanaw.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page