top of page

DeRozan ng Bulls, nanuwag, Powell ng Clippers, namuno

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 23, 2022
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 23, 2022



Pinutol ng Chicago Bulls ang siyam na sunod-sunod na panalo ng bisitang Boston Celtics, 121-107, sa NBA kahapon mula sa United Center. Hindi din nakaligtas ang numero uno sa Western Conference Utah Jazz at pinabagsak sila ng Los Angeles Clippers, 121-114, kasabay ng pagdiriwang ng Filipino Heritage Night sa Crypto.com Arena.


Naglabas ng lakas ang mga All-Star ng Bulls na sina DeMar DeRozan sa 28 puntos at Zach LaVine na may 22 puntos. Tinalo na ng Chicago ang Boston sa dalawa sa tatlong paghaharap nila ngayong taon pero sa Bulls nagsimula ang pagragasa ng Celtics sa isang 123-119 tagumpay noong Nob. 4.


Umakyat ang Bulls sa 7-10 habang 13-4 na ang Boston kumpara sa 12-4 Milwaukee Bucks na tinalo ng Portland Trail Blazers, 119-111. Matindi muli sa Giannis Antetokounmpo sa kanyang 37 puntos subalit mahalaga ang kontribusyon ni Jrue Holiday na ipinasok ang 13 ng kanyang 17 puntos sa fourth quarter upang masugpo ang huling hirit ng Blazers.



Lamang ang Clippers sa 2nd quarter, 55-38, subalit nagpabaya at saglit ibinigay ang lamang sa Jazz bago magising sa 4th quarter. Namuno sa Clippers si Norman Powell na may 30 puntos bilang reserba at suportahan si Reggie Jackson 27 habang hindi sapat ang 26 puntos ni Pinoy pride Jordan Clarkson para sa Jazz na numero uno pa rin sa kartadang 12-7.


Isang araw matapos maitala ang unang panalo sa tahanan ng kalaban, bumagsak muli ang World Champion Golden State Warriors sa kamay ng New Orleans Pelicans, 128-83. Nagpasya si Coach Steve Kerr na ipahinga sina Stephen Curry, Klay Thompson, Draymond Gree at Andrew Wiggins matapos ang 124-95 tagumpay sa San Antonio Spurs.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page