top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

De-kalidad na edukasyon para sa mga out of school

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2021
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | December 12, 2021



Mas pinatatag pa ang edukasyon para sa mga out of school.


Ito ay sa pamamagitan ng pagkakatatag ng isang bureau sa Department of Education (DedEd) na mangangasiwa sa alternative learning system o ALS sa ating bansa.


Pangungunahan ng Bureau of Alternative Education (BAE) ang implementasyon ng ALS.


Ito ay bilang pagtalima ng DepEd sa Republic Act No. 11510 o ang Alternative Learning System Act.


Isa ang inyong lingkod sa mga may-akda ng batas na ito, sa pamamagitan ng Senate Bill number 1365 kasama si Senator Win Gatchalian.


☻☻☻


Tututukan ng BAE ang mga out-of-school children in special cases, ang kabataan at matatanda na nagnanais makumpleto ang kanilang basic education. Kasama rin ang indigenous peoples, persons deprived of liberty at learners with disabilities.


Ayon pa sa DepEd, masisiguro ang kanilang “educational continuity” upang ma-develop ang kanilang “basic and functional literacy” at “life skills”.


Sisiguruhin ng BAE ang access sa iba’t ibang oportunidad na makapag-aral ang mga learners na may magkakaibang interes, learning needs at kakayahan.


Maglalatag din ang BAE ng minimum quality standards para sa ALS curriculum at learning materials, pati na rin sa pagpaplano, implementasyon, hanggang sa pagmo-monitor ng mga alternative learning program.


Kasama rin ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at sa pribadong sektor para sa skills development at sa sustainable na implementasyon ng ALS program.


☻☻☻


Inaasahan nating mas palalawakin pa ng DepEd at BAE ang iba’t ibang oportunidad na makapag-aral at makapagtapos ang ating kabataan.


Ayon sa departamento, mayroong 239,616 mag-aaral sa ALS ngayong school year 2021-2022.


Ito ay mas higit na mababa sa 599,365 na naitala noong nakaraang school year.


Makakaasa rin ang DepEd ng patuloy na suporta upang masiguro na ang kabataan at iba pang nagnanais makapag-aral ay matupad ang kanilang pangarap at maging produktibong bahagi ng komunidad.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!



Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page