De-elevator din… BAGONG MANSIYON NI VICE, MALA-MALL SA LAKI
- BULGAR

- Jan 4, 2021
- 1 min read
Updated: Jan 9, 2021
ni Nitz Miralles - @Bida | January 4, 2021

Nasilip namin ang part one ng house tour ni Vice Ganda sa bago niyang bahay na sa laki, parang mansion na. Sa living room pa lang, comment ng kaibigang kasama ni Vice, parang mall at sabi naman ng isa, parang lobby ng hotel sa luwag. May elevator din ang bahay ni Vice sa mga ayaw maghagdan.
Ipinakita rin ni Vice ang iba pang parte ng bahay gaya ng den, clean kitchen, dining area at ang swimming pool. Nasa pool area rin ang spa at sauna, kaya hindi na kailangang lumabas pa ng bahay kung gustong mag-sauna at mag-spa.
Part one pa lang ang nakita namin, sa ibaba pa lang ng kanyang bahay, wala pa ang second floor.
Excited na kaming masilip ang walk-in closet at bedroom ni Vice, kaya wait namin ang part two at baka pati part three ng house tour.





Comments