DDS, nagbunyi sa pagkatalo ni Rabiya Mateo sa Miss U
- BULGAR
- May 19, 2021
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 19, 2021
NAGBUNYI ANG DDS SA PAGKATALO NI RABIYA SA MISS UNIVERSE 2020—Hanggang ngayon ay nagbubunyi pa rin ang mga DDS sa pagkatalo ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa Miss Universe 2020.
Nagalit ang mga DDS kay Rabiya sa sagot nito sa tanong noon sa Miss Universe Philippines na kung may bagong perang ilalabas ay sino ang dapat malagay dito, na ang kanyang tugon ay si yumaong ex-Sen. Miriam Santiago kasi ito raw ang “The best president that we never had.”
Nasaktan ang mga DDS dahil para sa kanila ay si P-Duterte lang ang ‘da best’ at magmula noon, kapag nagbigay ng mga opinyon si Rabiya sa mga isyung panlipunan ay bina-bash na ito ng mga DDS, at nang matalo nga sa Miss U, ipinakita ng mga DDS ang kanilang pagbubunyi sa social media, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
HINDI MAKABAYAN ANG MGA DDS, MAKA-DUTERTE LANG—Ang lahat ng beauty queen sa iba’t ibang bansa na lumahok sa Miss Universe 2020 ay suportado ng kanilang mga kababayan, maliban sa pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo na sa umpisa pa lang ng kompetisyon ay nilalait na ng mga DDS, pinananalangin pa sa social media na matalo ang kandidata.
‘Yan ang mga DDS, hindi makabayan, kundi maka-Duterte lang, period!
◘◘◘
ILAN SA MGA PULITIKO SA ILOILO ANG DEDMA SA PAMBA-BASH NG MGA DDS SA KABABAYAN NILANG SI RABIYA—Si Rabiya ay taga-Iloilo, pero ang kapuna-puna ay dedma lang ang ilang pulitiko sa mga DDS na namba-bash sa kanilang kababayan na pambato rin ng Pilipinas sa Miss Universe 2020.
Mula kasi nang atakehin ng mga DDS si Rabiya, laitin at ipanalangin pa sa social media na matalo ay wala ni-isang pulitiko na taga-Iloilo ang tumindig para ipagtanggol ang kanilang kababayan sa DDS na namba-bash dito.
Kaya’t duda ng publiko, karamihan sa mga pulitiko sa Iloilo ay DDS din kaya dedma lang sa atakeng ginagawa kay Rabiya, boom!
◘◘◘
NANG MAG-JOKE SI P-DUTERTE NA MAGING ‘PROVINCE’ NG CHINA ANG PHILIPPINES, IMBES NA MADISMAYA, NAGPALAKPAKAN PA ANG MGA DDS—Maging sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) na sinakop na ng China ay ipinakikita ng mga DDS na wala sa kanilang bokabularyo ang pagpapamahal sa Pilipinas kasi si P-Duterte lang ang love nila at hindi ang Inang Bayan, na kung ano sabihin ng pangulo, “oo lang nang oo” ang mga ito.
Halimbawa ay nang mag-joke si P-Duterte na para matigil na ang agawan ng teritoryo sa West PH Sea ay gawing probinsiya na lang ng China ang Pilipinas, pero imbes na madismaya dahil hindi naman ito magandang biro ay nagpalakpakan pa sa tuwa ang mga DDS, buwisit!





Comments