DDS ang tunay na bias, hindi ang DOS!
- BULGAR
- Dec 27, 2021
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 27, 2021
HINDI PA LIMOT NG TAAL VICTIMS ANG PANG-UUNGGOY NA PABAHAY NI P-DUTERTE—Hindi pa limot ng mga taga-Batangas, Laguna, Quezon at Cavite ang pang-uungoy sa kanila ni P-Duterte tungkol sa pangakong pabahay na hindi nagkaroon ng katuparan.
Nang sumabog ang Taal volcano noong January 2020 ay nagalit ang mga biktima ng bulkang Taal sa late response sa kanila ni P-Duterte, at para mapakalma ay pinangakuan sila ng pangulo ng pabahay, pero sa pagdinig sa Senado noong Oct. 2020, inamin ni NHA (National Housing Authority) General Manager Marcelino Escalada, na kaya wala silang ginawang housing projects sa mga Taal victims ay walang ibinigay na pondo ang Malacañang, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
DDS PALA ANG BIAS, HINDI ANG ABS-CBN—Nang mamigay ng tulong si ABS-CBN actress Angel Locsin sa mga biktima ng Bagyong Odette ay binash ito ng DDS na kesyo me-media pa ang pagtulong, pero nang mamigay ng tulong si Willie Revillame sa mga biktima ng bagyo ay todo-puri ang mga DDS.
Kung ganu’n, hindi pala ang ABS-CBN ang bias, kundi ang DDS kasi kapag tumulong ang mga taga-Kapamilya network ay bina-bash nila, pero kapag taga-kapuso ang tumulong, pinupuri nila, period!





Comments