DAWN, DONYANG-DONYA NANG SAMAHAN ANG ANAK SA BALLET COMPETITION
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 8, 2022

Very proud mother ang aktres na si Dawn Zulueta sa tinamong achievement ng anak na si Ayisha sa Youth Grand Prix 2022 Ballet.
Ani Dawn, first time pa lang daw sumali sa ballet competition ay napasok agad si Ayisha sa Top 12 Junior Classical Ballet Division.
Big achievement na raw 'yun para kay Ayisha.
Sa ibinahaging picture ng aktres ay pinansin ng mga netizens ang OOTD ni Dawn.
"In fairness kay Dawn, lakas maka-donya ng dating."
"Taray ni Dawn, altang-alta ang datingan, 'yung tipong 'Ito ang sampung milyon, layuan mo na ang anak ko' vibes."
"So nice and so classy!"
"I like how the girls dress their age. They look classy and decent just like their mothers."
FYI sa mga netizens, baka hindi nila alam na talaga namang donya si Dawn dahil super rich ang napangasawa nitong si Anton Lagdameo.





Comments