Dawit sa confi funds ni VP Sara... MARIAN AT CHEL, KAKAUSAPIN NG PSA AT NBI
- BULGAR
- 19 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 29, 2025
Photo: Marian at Chel Diokno - IG
May balitang na-tap ang PSA at NBI to verify kung totoong pirma nina Akbayan representative Chel Diokno at Marian Rivera ang signature na nakita sa acknowledgement receipts na mula sa Department of Education (DepEd).
Ano ‘yun, kakausapin ng mga taga-NBI at PSA o Philippine Statistics Authority sina Diokno at Marian?
Ipinost ni Arnold Clavio ang check na ibinigay daw sa isang Marian Rivera na taga-San Fernando (hindi malinaw kung saang San Fernando). Iba sa pirma ni Marian at kailan pa tumira sa San Fernando ang aktres?
Nag-react tuloy ang mga fans ni Marian sa pagsasangkot sa aktres sa isyu. Bakit daw hindi ang namigay ng confidential fund ang tanungin? Sabagay, malapit na itong mangyari at magkakaroon na ng hearing.
“HINDI ko rin alam,” ang sagot ni Alden Richards kung ano ang ginagawa niya sa Bangkok (BKK) at para talagang hindi niya alam kung bakit nandu'n siya.
Later on, may lumabas na reels na tumakbo si Alden at mga kasama, na mga kasama rin niyang tumatakbo rito, gym buddies niya.
Ibig sabihin nito, hindi na lang sa Metro Manila tumakbo si Alden at ang kanyang running team, nakarating na rin sila sa BKK.
Hindi nakakagulat kung pumunta sila sa Singapore at ibang Asian countries para lang tumakbo.
Samantala, pinaabangan ni Alden ang opening niya sa Stars On The Floor (SOTF), dahil ngayon lang uli siya sasayaw. Matagal na siyang hindi sumasayaw dahil marami siyang ginagawa. Tingnan daw kung kaya pa niyang sumayaw.
Kasama ni Alden sa dance reality show bilang judges o dance authority sina Pokwang, Jay Joseph na choreographer ng SB19 at si Marian Rivera. Excited at thrilled siya to be working with the three at hindi malayong magkaroon sila ng dance number sa show.
Reunion project ito nina Marian at Alden, pero hindi sila aarte at sa halip ay host si Alden at judge si Marian.
First time namang magkakasama sina Alden, Pokwang at Marian, kaya riot ito.
INI-REPOST ni Ruru Madrid ang comment ng isang fan na, “Grabe naman bm @bianxa, all around, suwerte talaga ng future husband @rurumadrid.”
Ito ay pagkatapos mapanood si Bianca Umali na naglilinis sa Bahay ni Kuya, kung saan house guest siya.
Lahat ay nilinis ni Bianca mula sa kusina at pinunasan ang mesa na hindi yata napupunasan ng housemates. Nakakatuwa na siniguro nitong maayos ang pagkakalagay ng flower vase sa mesa at hindi lang basta inilagay niya.
Pati ang kitchen area, nilinis ni Bianca, hinugasan ang kettle na gamit sa pagluluto. Tanong tuloy ng mga viewers, hindi ba naglilinis ang mga housemates ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition?
Pati nga ang boys' room ay pinasok ni Bianca para linisin, inilagay sa ayos ang nagkalat na mga sapatos at maayos ang mga kama. Comment ng mga viewers, noon lang nila nakitang maayos ang boys' room na puwede naman pala.
Comment pa ng mga viewers, baka task ni Bianca ang maglinis sa Bahay ni Kuya, kaya naglinis siya, pero mas tama ang rason na naguluhan siya sa gulo ng bahay at nakakalat na mga gamit, kaya nagkusa nang maglinis.
Pag-alis ni Bianca sa Bahay ni Kuya, sigurado raw na makalat na uli ang bahay.
Nabanggit ng dati nang bida ng Sang’gre na mahilig siyang maglinis ng bahay at ayaw niya ng madumi at makalat. Kaya kahit bisita siya, nagkusa nang maglinis.
Tama nga, may rason na maging proud sa kanya si Ruru Madrid.
Samantala, ang Encantadia The Last Chronicles: Sanggre (ETLC:S) ang papalit sa timeslot ng Lolong ni Ruru. Magpapalitan lang pala ang magdyowa ng show sa primetime slot ng GMA. Tanong ng kanilang mga fans, kailan maiisip ng GMA na pagsamahin sila sa isang matinding action drama?
Comments