top of page

Davison at Fajardo kinonekta malapit sa 3rd ang Speed Hitters

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | April 22, 2026



PLDT High Speed Hitters

Photo: PVL



Malupet na koneksyon ang ipinamahagi ni dating national team playmaker Kim Fajardo para gabayan pagdating sa atake ang PLDT High Speed Hitters tungo sa dikdikang 22-25, 25-21, 27-25, 26-28, 15-11 panalo kontra masigasig na Farm Fresh Foxies sa Game 1 ng kanilang best-of-three battle-for-third place kahapon sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.


Lumapit sa pagbabalik podium ang High Speed Hitters matapos kapusin sa 4th place noong nagdaang Reinforced Conference, kasunod ng back-to-back title sa PVL On Tour at Invitational Conference. Mula sa 9-10 bentahe ay bumira ng 6-1 run ang PLDT sa pangunguna ni Filipino Canadian Savannah Davison na kumana ng game-high 33 puntos mula 30 atake.


Subalit mas nangibabaw ang composure at malawak na karanasan ni Fajardo sa pagpapakalma sa mga kakampi at magsilbing lider para pataubin ang Foxies mula sa kabuuang 36 excellent sets kasama ang 2 puntos para mabawian ang katunggali sa semifinal loss noong Abril 14 sa MOA Arena sa Pasay City. “Alam namin na hindi magiging madali ang laban kaya kailangan lang namin na magtiwala sa sarili at sa mga kasama,” pahayag ng 32-anyos mula Calatagan, Batangas.


Naging sandalan din ng High Speed Hitters sina Kim Kianna Dy sa 16 puntos, middle blocker Mika Reyes sa 13 puntos, Majoy Baron sa 10 marka.


Samantala sa sumunod na laro, agad na giniba ng Creamline Cool Smashers ang Cignal Super Spikers sa Game 1, best of-3 finals sa 3 straight set 25-22, 25-18, at 25-16 sa bisa ng lakas ng atake ni Jema Galanza sa 16 puntos na sinundan ni Bernadette Pons sa 11 marka at Tots Carlos sa inambag na 9 attacks.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page