top of page

DAVID, NAGPAPRAKTIS NANG MAGING AMA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 23, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | September 23, 2023


Dream come true para sa It’s Showtime young star na si Baby Argus ang maka-bonding ang Kapuso actor na si David Licauco.


Idolo pala ni Argus si David. At puwede rin silang mapagkamalang mag-ama sa laki ng resemblance ng kanilang mga mukha.


Aminado naman si David na naaliw siya kay Argus dahil sa angking katalinuhan nito at pagiging “bubbly” umano ng bata.


Ayon sa panayam kay David ng 24-Oras, “Nakakaaliw sobra si Argus kasi parang alam mo ‘yun, at five years old, tapos, ganu’n na siya katalino, ang dami niyang sinasabi, ang dami niyang itinatanong sa 'kin. Sobrang curious siya about life. Tapos, nakita ko na very bubbly siya.”


Again, sa TikTok din ibinahagi ni David ang bonding moments nila at ipinakita ang dance video nila ni Argus.


Bukod sa dance video, nag-duet din ang dalawa ng kantang Raining in Manila na isa sa mga paboritong kanta ni Argus.


Nagbigay din ng reaksiyon si David sa mga komento ng mga netizens na para raw silang mag-ama ni Argus.


Biro ni David, “‘Yun na nga. Praktis nga raw, sabi nila, eh.”


Maliban kasi sa ginawa nilang pagmu-mukbang sa resto ni David, nag-ikut-ikot rin sila sa isang mall kung saan naglaro sila ng mga arcade games at nag-shopping sa isang toy store.


Inaasahan naman ang pagbisita ni David sa It’s Showtime matapos siyang imbitahin ni Argus na mag-guest sa show.


Hindi naman ito imposibleng mangyari lalo pa’t napapanood na ang long-running Kapamilya noontime show sa sister channel ng GMA-7 na GTV.


“Actually, in-invite nga ako ni Argus. Sabi niya, ‘Kuya David, punta kang Showtime, bisitahin mo ako.’ So, ganu’n. Sabi ko, ‘Sige. Basta ano, sasamahan mo ako,’” kuwento pa ni David.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page