DAVID, BANONG UMARTE NOON, BEST SUPPORTING ACTOR NGAYON
- BULGAR
- Feb 18, 2023
- 1 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 18, 2023

Kinongratyuleyt namin kahapon ang tinagurian ngayong "Pambansang Ginoo" na si David Licauco nang maka-one-on-one interview namin pagkatapos ng launching sa kanila ni Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez bilang pinakabagong ambassadors ng Bluewater Day Spa na ginanap sa Marco Polo Hotel sa Ortigas.
Kapapanalo lang kasi ni David ng Best Supporting Actor award sa katatapos lang na Platinum Stallion National Media Awards.
Hindi ito ang first acting award ni David dahil tinanghal na rin siyang New Movie Actor of the Year sa 36th PMPC Star Awards nu'ng year 2021 para sa role niya sa Because I Love You.
Para kay David Licauco na dati rin palang nakaranas na masabihang "banong umarte", grateful daw siya sa award na ito at nagsilbing inspirasyon para sa kanya na mas pagbutihin pa ang pag-arte.
"Talagang marami akong binago sa acting ko, and at least, ngayon nakikita na rin nila. At talaga namang nakakataba ng puso na naa-appreciate nila," sabi ni David na isa sa mga paboritong Kapuso actors ngayon dahil nag-click ang tambalan nila ni Barbie Forteza sa seryeng Maria Clara at Ibarra.
In fact, inamin ni David sa Q&A kahapon na after ng MCAI, may naka-line-up nang serye at movie para sa kanila ni Barbie kaya for sure ay super happy ang FiLay fans.
Samantala, dahil sa busy sched sa trabaho at pagiging negosyante, paborito pala ni David ang Balinese Massage sa Bluewater Day Spa, habang si Tracy naman ay Deep Tissue Massage and IPL Hair Removal service ang ipinagagawa tuwing nagpupunta sa Bluewater Day Spa.




Comments