top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Dating US President Clinton, umaayos na ang kondisyon

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 17, 2021
1 min read

ni Lolet Abania | October 17, 2021



Nananatili si dating US President Bill Clinton sa isang ospital sa Southern California matapos na magkaroon ng urological infection, subalit patuloy naman na nakikitaan anila ng “excellent progress” at inaasahang makakalabas na ngayong Linggo, ayon sa isang pahayag ng kanyang tagapagsalita.


Ang 75-anyos na si Clinton na naglingkod bilang pangulo ng United States mula noong 1993 hangang 2001 ay na-admit sa University of California Irvine Medical Center sa California noong Martes ng gabi matapos na makaramdam ng matinding sakit dahil sa fatigue.


Ayon kay spokesperson Angel Urena, ang dating president ay bumubuti na ang kondisyon.


“He is in great spirits and has been spending time with family, catching up with friends, and watching college football,” sabi ni Urena sa isang statement na nai-post sa Twitter.


Ang asawa ni Clinton na si dating Secretary of State at 2016 Democratic presidential nominee Hillary Clinton ay naroon sa ospital nitong Sabado para sa kanya.


Batay sa kanyang mga doktor, mula nang ma-admit si Clinton at maipasok sa intensive care unit ng ospital, tuluy-tuloy ang pagtanggap nito ng fluids at mga antibiotics.


Si Clinton na nasa California ay dadalo sa isang dinner at reception para sa kanyang foundation sa Los Angeles County, habang patuloy na hinaharap ang problema niya sa kalusugan.


Noong 2004, dumaan si Clinton sa isang quadruple bypass operation, habang isang procedure rin upang buksan ang isang blocked artery nito noong 2010.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page