top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

DATING SIKAT NA FEMALE CELEB, PURO PRAMIS, WA' NAMANG NAGAWA, AYAW NANG IBOTO ULI

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 11, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 11, 2022



Blind item:


Nagbabalik sa political arena ang isang dating sikat na female personality na tatakbo sa mataas na posisyon sa 2022 elections.


Visible na naman siya ngayon sa social media at nagpaparamdam uli. Dumidikit siya ngayon sa isang sikat na vlogger para mapansin at magkaroon ng exposure.


Pero, marami ang nagsasabing isang malaking himala na lang kung mananalo pa ang dating sikat na female personality sa gusto niyang posisyon. Dismayado na kasi ang maraming bumoto sa kanya noon.


Wala naman kasing masasabing nagawa ang female personality para sa kapakanan ng masa at mahihirap na nagtiwala at umasa sa kanya noon. Lumilitaw lang daw ang female personality kapag panahon ng eleksiyon.


Akala pa naman ng mga taong nagtiwala at bumoto sa kanya ay maaasahan at magiging kakampi siya ng mahihirap. Tumatak 'yun sa kanilang isipan.


Kaya naman sa darating na 2022 elections ay hindi na raw ulit sila mabobola ng female personality na sumikat sa telebisyon, kahit na magpa-endorse pa siya sa mga sikat na artista at vloggers.


Ilang taong nakapuwesto noon sa mataas na posisyon ang female personality pero hindi naman niya nagawa at natupad ang kanyang mga ipinangako sa mga bumoto sa kanya.


Nadiskubre pa ng ilang netizens na mahilig magpa-sponsor ang female celebrity tuwing kumakandidato. Hindi siya naglalabas ng sariling pera para sa kanyang campaign funds.


Mayayamang negosyante ang mga sponsors niya kaya kumikita pa siya ng extra kapag election.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page