top of page

Dating Santino, nakatikim na ng first time… ZAIJIAN, NABINYAGAN NI JANE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 17, 2025





Nagulantang hindi lang ang mga press people kundi maging ang mga mamimili na dumayo sa World Trade Center kahapon kung saan ginaganap ang Aling Puring Convention 2025 ng Puregold, nang ipalabas sa big LED screen ang trailer ng pinakabagong Puregold Channel digital series na Si Sol at Si Luna.


Sino ba naman ang hindi magugulat na ang nakilala nating napaka-banal at mala-santong si Zaijian Jaranilla a.k.a. Santino sa ABS-CBN teleserye noong May Bukas Pa ay hot na hot sa kissing at bed scenes with his leading lady sa Si Sol at si Luna na si Jane Oineza?!


Yes, trueeee! Kaya naman, agad-agad ay nag-trending kahapon sa online world ang super-init na kissing scene nina Zaijian at Jane.


Puro kantiyaw nga ang inabot ni Zaijian sa mga co-stars niya sa Si Sol at Si Luna na hindi rin makapaniwala na ang dating Santino na pinapanood nila, ngayon ay palaban na sa halikan at may bed scene pa!


Kaya naman tinanong namin si Zaijian sa Q&A during the mediacon kung paano siya na-convince ni Direk Dolly Dulu na tanggapin ang role at gawin ang maiinit na eksena nila ni Jane na heto nga’t pinag-uusapan na ngayon sa social media.


Sagot ni Zaijian, una ay nagpapasalamat siya sa Star Magic na kanyang talent management dahil sa laging all-out support sa kanya sa mga projects na kanyang ginagawa at hindi siya nililimitahan bilang aktor.


Pangalawa, gusto raw mag-explore ni Zaijian ng iba’t ibang roles bilang aktor kaya nagpapasalamat din siya sa Puregold, kay Direk Dolly at kay Sir Chris Cahilig na Puregold CinePanalo Film Fest director din sa pagpili at pagtitiwala sa kanya para gampanan ang role na Sol sa latest digital series ng Puregold na mapapanood sa YouTube channel nito simula sa May 31, Saturday, 7 PM.


Kuwento ni Zaijian, nu’ng gagawin na raw nila ni Jane ang kissing and bed scenes nila ay hindi talaga siya mapakali at kabadung-kabado siya, pero dahil sa tulong nina Direk Dolly at Sir Chris ay naitawid with flying colors ang ‘ika nga ay “pagbibinyag” kay Zaijian na kinantiyawan naming pang-sexy star na ang image ngayon. Hahaha!  


Tawa naman nang tawa si Jane nang sabihin naming siya ang buminyag kay Zaijian sa first kissing scene nito.


Ani Jane, naging professional lang naman siya sa eksena at inalalayan si Zaijian tulad ng ginawa rin sa kanya noon ng kanyang kaeksena nu’ng first time rin siyang mapasabak sa ganito.


Samantala, tinanong din namin si Zaijian sa Q&A kung in real life ba ay na-in love na rin siya.


Umamin naman ito na umibig na rin daw siya.


Pero sa tanong namin kung na-experience na rin ba niya in real life ang mga ginawa nila ni Jane sa Si Sol at Si Luna, ang tanging naisagot nito ay, “Siguro po ang masasabi ko lang, marunong akong humalik,” na umani ng palakpakan mula kina Jane, Direk Dolly, Sir Chris at iba pang cast ng series.


Anyway, ngayon pa lang ay tiyak na inaabangan na ng mga followers at subscribers ng Puregold YouTube Channel ang Si Sol at Si Luna lalo’t interesado silang makita ang pagbabagong-image ni Zaijian na mas una ngang nakilala bilang si Santino nu’ng bata pa siya.


Thirteen episodes mapapanood ang Si Sol at Si Luna kung saan kasama rin sa cast sina Joao Constancia, Uzziel Delamide, Vaughn Piczon, Lyle Viray, Jem Manicad, Marnie Lapus at ang breakout star na si Atasha Franco.


Mula sa direksiyon ni Dolly Dulu, mapapanood ang bawat episode tuwing Sabado simula sa May 31, at 7 PM.


Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page