Dating pangulo, ikinampanya… IBINULGAR NI RUFFA: EDDIE, NAGKAROON NG 2 BAHAY DAHIL KAY MARCOS
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 19, 2022

Bago pa man gumanap si Ruffa Gutierrez bilang Imelda Romualdez Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang ay personal nang kilala ng pamilya niya ang mga Marcoses.
“I had first-hand experience of the Marcos family from my mom and dad (Annabelle Rama and Eddie Gutierrez) because my dad campaigned for Ferdinand Marcos, Sr. and he’s very thankful kasi hindi siya magkakaroon ng dalawang bahay kundi dahil kay Marcos, Sr.,” sey ni Ruffa sa grand mediacon ng Maid in Malacañang last Sunday na ginanap sa Manila Hotel.
“And Madam Imelda would always come to our house before, so it’s more not even political. I think we are, I can say that we’re friends beyond politics,” she added.
Kahit na nga raw noong nakaraang eleksiyon ay si Manny Pacquiao at hindi si Pres. Bongbong Marcos ang sinuportahang presidential candidate ng kanyang ina ay hindi raw nagtanim ng sama ng loob sa kanila ang mga Marcoses.
“Even if there was a time na my mom supported someone else itong last elections, everybody knows that, they still welcomed us and they didn’t care. ‘Yun ang maganda sa kanila, hindi sila sumasama ang loob. They just welcome unity. And wala sa kanila talaga ‘yun and that’s the reason why I love them so much because they’re very true to themselves.
“And they’ve been through so much, so hindi na nila pinapansin ‘yung mga walang kuwentang balita,” saad pa ng aktres.
Samantala, stand-out na stand-out si Ruffa sa naturang mediacon dahil bukod sa siya ang pinakamatangkad, talagang kopyang-kopya niya ang karakter na kanyang ginagampanan na si former First Lady Imelda Marcos mula sa looks, sa eleganteng gown (she was wearing Rajo Laurel), hair and make-up hanggang sa kilos at pananalita. All through-out the presscon ay never siya talagang bumitiw sa kanyang karakter.
Sa naturang mediacon ay ipinakita rin for the first time ang trailer ng Maid in Malacañang at puring-puri naman talaga ito ng lahat.
Trailer pa lang ay nakaka-goosebump na kaya naman excited na ang lahat na mapanood ito sa sinehan this coming August 3. Hindi lang ito sa Pilipinas mapapanood kundi maging sa iba’t ibang bansa.
Ang kuwento ng Maid in Malacañang ay tungkol sa last 3 days ng Marcoses sa Malacañang during the People Power Revolution in 1986.
Ayon kay Direk Darryl Yap at kay Sen. Imee Marcos, pawang buong katotohanan lamang ang kanilang ipapakita sa pelikula at wala silang binago sa kasaysayan.
Kasama rin sa movie sina Cesar Montano, Diego Loyzaga, Cristine Reyes, Ella Cruz, Karla Estrada, Beverly Salviejo, Elizabeth Oropesa, Kiko Estrada at marami pang iba.
l.





Comments