Dating pa-sweet… PAGPAPA-SEXY NI CARLA, GANTI KAY TOM
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 13, 2023

Ayon sa ilang netizens, ang ginawang pagbabagong-image ni Carla Abellana ay bahagi ng kanyang revenge sa nangyari sa kanilang relasyon ni Tom Rodriguez.
Maraming ginulat si Carla sa kanyang ipinost na mga sexy photos sa latest niyang pictorial. Kung dati-rati ay sweet at pa-demure ang image niya, ngayon ay fierce and daring na.
At kasabay ng pagpapalit ng taon ay ang pagbabago ng personalidad ni Carla Abellana.
Pero, hindi naman ito nangangahulugang tuluyan na siyang magpapa-sexy sa mga susunod niyang projects.
Magaling na aktres si Carla at muli siyang magpapakita ng galing sa pag-arte sa bago niyang serye with Gabby Concepcion at Beauty Gonzales, ang Stolen Life.
Hindi pa rin nabubura sa isipan ng mga viewers na ang isang Carla Abellana na kanilang hinangaan ay isang de-kalibreng aktres. Hindi na niya kailangang magpa-sexy sa big screen para lang mapansin.
Para naman sa ilang grupo ng kababaihan, ang ginawang pagpapa-sexy ni Carla ay nakatulong upang ma-regain niya ang kanyang self-confidence. At hindi niya kailangang magmukmok at kaawaan ang sarili kahit nabigo ang kanyang marriage.





Comments