Dating mansiyon, nabenta ng P1 B… PACQUIAO, NAGPAPATAYO NG BAGONG BAHAY SA FORBES PARK
- BULGAR
- Dec 9, 2022
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | December 9, 2022

Last week ay lumutang ang balitang naibenta na ang mansion ni Manny Pacquiao sa Forbes Park at nakakalula ang halaga nito… P1 billion lang naman daw!
Isang super rich na businessman daw from Indonesia ang nakabili ng nasabing mansion.
May ilang netizens ang nasilip ang nai-post ni Jinkee Pacquiao na parang nagsu-supervise sa pagpapagawa ng bago nilang mansion na nasa Forbes Park area pa rin. Maaaring mas maliit lang ito kumpara sa dati nilang mansion na napakalaki at malawak ang sukat ng lupa.
May mga Marites naman ang nagtatanong kung gaano ba karaming pera ang P1 B? Ilang ordinaryong kotse kaya ang mabibili nito? Makakapagpatayo kaya ito ng isang daang low cost housing unit para sa mahihirap? Kaya bang panggastos ito ng 100 pamilya for the next 10 years of their life?
Napakasuwerte naman talaga ng isang Manny Pacquiao na kumita nang milyun-milyon nang sumikat bilang boksingero. Hindi kayang pantayan ang kanyang world record sa boxing kahit na sabihin pa ng dating boxing referee na si Carlos Padilla na may hokus pokus na naganap sa laban ni Pacman kay Hussein noon sa 'Pinas.
At para kay Pacquiao, ibinigay niya ang kanyang lakas upang ipagmalaki siya ng ating mga kababayan.





Comments