top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Dating manager… LIZQUEN, DEDMA LANG SA PAGKAMATAY NG NANAY NI OGIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 30, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 30, 2023



Naihatid na sa huling hantungan ang mother ng dating talent manager nina Liza Soberano at Enrique Gil na si Ogie Diaz nitong Biyernes, April 28.


Usap-usapan na hindi man lang daw nakiramay ang LizQuen sa dati nilang manager. Ni mensahe sa text, Messenger o Viber ay 'di nila ginawa.


Natanong ni Mama Loi si OD sa kanilang programa bago inilibing ang ina nito kung nakiramay na ba ang dati niyang alaga na si Liza sa namayapa niyang ina na si Carmen Diaz sa edad na 87.



"Sa Friday pa naman ang libing ng nanay ko. Hindi natin alam, baka magpaabot si Liza. So far, wala akong natatanggap na Viber (message) or text kay Liza. Malay naman natin, 'di ba, umabot hanggang Friday? Naku, may deadline? Pero okay lang naman. Kung sino lang 'yung makakaalala," ang sagot ng TM.


"Malay mo naman, Loi, busy lang ang lola mo. 'Yun na lang ang isipin natin," sambit pa ni Ogie.


"Alam mo, hindi tayo puwedeng magdikta kung sino 'yung gusto nating makiramay sa atin.


Kung sino 'yung gustong makaalala na makiramay nang taos sa puso, 'yun ang mangumusta sa atin or makiramay sa atin."


"Pero 'pag hindi nararamdaman 'yung sinseridad ng pakikiramay, 'wag gawin. Ganu'n lang naman 'yun," aniya pa.


Tanong naman ng netizen, "Bakit maging ang boyfriend nitong si Enrique Gil ay hindi rin nagparating ng pakikiramay sa pamilya ng dating manager nila?"


Malay naman po natin, baka naman nagpadala po ng mensahe si Quen.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page