top of page
TALKIES - CHARIZ, UMAMING MAY THIRD EY-IG _chariz_solomon.jpg

Dating manager, inilaglag na… AIKO, SINULSULAN DAW NI ONEMIG PARA KUMALAS KAY OGIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 21, 2026



TEKA NGA - AIKO, SINULSULAN DAW NI ONEMIG PARA KUMALAS KAY OGIE_IG _aikomelendez & _ogie_diaz

Photo: IG _richardgutz & FB Daniel Padilla 2.5 Era



Marami ang nagulat at hindi inasahan ng marami na kakalas sa management ni Ogie Diaz si Aiko Melendez. Matagal na panahon din silang nagka-tandem. Tinulungan ni Ogie ang career ni Konsehala Aiko upang umangat.


Maging sa personal na mga problema ay karamay ni Aiko ang dating manager. At ito ang nagtatanggol kapag may mga bashers na nanlalait sa kanya. 


Pero nangyari nga ang hindi inaasahan, kumalas si Aiko sa management contract kay Ogie.


May ilang nagsasabi na may kulay-pulitika raw ang pagkalas nito sa dating manager. Alam ng lahat na ‘Pinklawan’ o Leni Robredo supporter si Ogie, habang DDS (Duterte diehard supporter) naman si Aiko. 


Bukod dito, may nagdadawit pa kay Onemig Bondoc na diumano ay siya ang nakaimpluwensiya kay Aiko upang umalis na sa management ni Ogie.


Well, tanggap naman ng manager ang naging desisyon ng dati niyang alaga. Wala siyang tampo at sama ng loob kay Aiko.


Pero may mga netizens na dismayado dahil hindi man lang daw nito personal na pinuntahan si Ogie upang magpaalam nang maayos. Sa social media lang niya idinaan ang pagkalas sa kontrata niya sa dating manager.


Bilang respeto man lang sana sa mahabang panahon ng kanilang pinagsamahan, hindi sapat na sabihin lang ni Aiko na walang magbabago sa pagkakaibigan nila ni Ogie.





HINDI ikinahihiyang aminin ni Mommy Rizza, ina ni Ryzza Mae Dizon, na siya ay naging kasambahay bago niya ipinanganak si Aling Maliit (Ryzza).


At kahit bata pa si Ryzza, kinakitaan na niya ang anak ng talento at pagiging bibo. Kung saan-saang show ito nag-o-audition para lang mapansin at makapasok sa showbiz.


At nang manalo nga siyang Little Miss Philippines sa Eat… Bulaga! (EB!), doon nagsimula ang kanilang suwerte.


Malaking tulong si Ryzza Mae sa kanilang pamilya. Siya na ang tumayong breadwinner kung saan naitaguyod niya ang mga pangangailangan ng kanyang mga mahal sa buhay.


Nakapagpundar siya ng bahay para sa kanyang pamilya. Kaya naman, ngayon na medyo nakakaluwag ang kanilang buhay, sila naman ang nagse-share ng kanilang blessings sa mga nangangailangan. 


Namimigay ang ina ni Ryzza Mae ng bigas, itlog, packed lunch/merienda sa kanilang lugar sa Pampanga.


Well, patuloy na bine-bless ang EB! host dahil nananatili siyang humble, mabait at matulungin. Hindi siya nagpapaapekto sa mga taong nanlalait sa kanya.





NAKAKARANAS ngayon ng bashing ang Kapuso actress na si Max Collins dahil sa kanyang role sa The Master Cutter (TMC) as Elaine/Audrey.


Awang-awa na ang mga viewers sa child star na si Sienna Stevens (as Ibyang) dahil mas kinakampihan ni Elaine si Janine (played by Ericca Laude), na inakala niyang ang nawawala niyang anak.


Maldita at bully si Janine, kaya hindi natuloy ang pag-ampon ni Natoy (Dingdong Dantes) kay Ibyang. 


Kaya nabaling kay Audrey ang galit ng mga viewers dahil hindi naman pala ito mabait at kakampi ni Ibyang.


Ganoon ka-effective si Max sa kanyang role, kaya medyo maingat siya kapag nasa malls at regional shows. Baka raw awayin at sugurin siya ng mga fans.

Pati si Natoy, damay sa galit ng mga viewers kay Max.





BF vs. ex ng aktres… DOMINIC, NAUNAHAN PA NI JAVI SA PAG-POST NG PAKIKIRAMAY KAY SUE



INIINTRIGA ng ilang netizens kung bakit daw nauna pang nag-post sa social media ng pakikiramay si Cong. Javi Benitez, ex-BF ni Sue Ramirez, kaysa sa BF ng aktres na si Dominic Roque. Dapat daw ay si Dominic ang unang-unang dumamay kay Sue sa pagpanaw ng kanyang Mommy Chit.


Ganunpaman, baka naman ayaw lang ng aktor na ilantad sa publiko ang pakikiramay sa pamilya ng GF na si Sue. Gusto niyang bigyan ng privacy ang pagluluksa ng pamilya nito at ayaw niyang pagpiyestahan ng lahat ang wake ni Mommy Chit.


Samantala, mahigpit ang pamilya sa venue ng wake ng ina ng aktres at hindi ito open sa publiko at sa media na nais makiramay. May nag-i-screen daw sa lahat ng gustong pumunta sa wake. 


Pampamilya, close relatives and friends lang daw ang pinapapasok.

Well, karapatan naman ng pamilya ni Sue kung gusto nila ng privacy sa panahon ng kanilang pagluluksa. Walang media coverage.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page