Dating leading man ni Thalia… POKWANG, SI FERNANDO CARILLO ANG BAGO
- BULGAR
- Jun 12, 2023
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 12, 2023

Proud na ipinost ni Pokwang ang picture nila ni Fernando Carillo sa kanyang Instagram account kahapon.
Sa mga ‘di nakakaalala, si Fernando ang sikat na sikat na leading man ni Thalia sa hit-mexican series na Rosalinda.
May gagawin kasing proyekto si Fernando sa ‘Pinas at si Pokie ang makakasama niya.
Isinama ni Pokie ang anak nila ni Lee O’Brian na si Malia sa meeting niya with the Venezuelan actor.
Caption ni Pokwang: “Ayun na nga!!! New project with Mr. @ferrcarrillo! Waaaah! Can’t wait!!!!! #FerPok.”
O, ‘di ba, may name na agad ang love team nina Pokie at Fernando?!
Anyway, na-happy din ang mga fans and followers ni Pokie sa bago niyang project.
“Congratulations, Mang! You are my inspiration in life, lumalaban sa anumang hamon sa buhay.
Wish you can visit again here in Canlaon!”
“Blessing na naman! Magwawala na naman ang mga bashers mo.”
Sa huli, worried naman ang iba na baka mainlab si Fernando kay Pokwang, or vice-versa.
Eh, ano naman kung magkainlaban ang dalawa? Habulin talaga ng mga foreigners ang beauty ni Pokie, ‘no?
Sana lang, walang asawa si Fernando.





Comments