Dating kuwarto ng misis, pinasok… GOMA, NABUKING ANG SIKRETO NI LUCY
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 22, 2022

Hindi sukat-akalain ni Richard Gomez na mabubuking niya ang itinatagong sikreto ng misis niyang si Ormoc Mayor-elect Lucy Torres-Gomez.
Very open naman si Lucy nu'ng nag-uumpisa pa lang siyang mag-commercial model, sinasabi na niyang crush niya ang aktor na si Richard Gomez.
Twelve years old lang daw siya noon ay super crush na niya ang aktor.
Unang nag-meet ang celebrity couple nu'ng isinu-shoot ni Lucy ang commercial ng Lux Shampoo sa Lake Caliraya taong 1993.
Ikinasal sila nu'ng 1998. Pareho raw silang na-love at first sa isa't isa.
Sa showbiz podcast ng Updated with Nelson Canlas, ikinuwento ng aktor-pulitiko na may nalaman siyang sikreto na pinakatatagu-tago ng kanyang misis.
Aniya, back in 1991, rumagasa ang typhoon sa Ormoc City.
“Binaha 'yung bahay nila so they decided to move du'n sa subdivision dito sa Ormoc City na ginawa ng lolo niya. And then 'yung bahay na 'yun, mine-maintain pa rin nila. Pero alam mo 'yung inabandona nila, hindi talaga pininturahan, iniwan lang siya.
“So, nu'ng dumaan kami, sabi niya, ‘This is where we used to live.’ Sabi niya, ‘Halika, pakita ko sa 'yo."
Nahiya raw si Lucy nang papasok na sila sa dating room nito dahil may isang cabinet na naroroon kung saan makikita ang mga nakadikit pang pictures ni Goma.
Nu'ng binuksan na raw ni Lucy ang cabinet ay na-amaze si Goma sa nakita.
“Pagbukas, tawa siya nang tawa kasi nu'ng nakita ko talaga, nandu'n 'yung GMA pictures ko, nakadikit du'n sa cabinet. Iba-ibang mga photos ko from different movies, from different TV shows.”
Nalaman niyang lagi raw ipinagdarasal ni Lucy na bigyan ito ng good husband na kamukha ng kanyang iniidolong si Goma. O, much better na si Richard Gomez na mismo.
“Sabi niya, ‘Lord, kung mag-aasawa ako, give me a good husband. 'Yun ang number 1, give me a good husband. Pero kung puwede, bigyan mo 'ko ng kamukha ni Richard Gomez. Tapos, kung talagang papalarin, Lord, si Richard Gomez na talaga 'yung ibigay mo sa 'kin.’ Talagang ipinagdasal niya,” natatawang sabi ng congressman-elect actor.
Ayon pa kay Goma, kaya pinagbuklod sila ni Lucy ay dahil hiningi siya nito sa Itaas.
"Ang lakas niya kay Lord, sa totoo lang," sey ni Goma.
“Ipinagdasal niya talaga ako sa Panginoon. Siguro, that was what brought me here to Ormoc City, that was what brought me to Lucy, 'yung mga dasal niya.”
Sa ngayon ay masasabing ideal couple ang dalawang personalidad.
Never silang nabalitaan na nagkaroon ng differences nu'ng nasa period sila ng adjustment sa mga unang taon na sila ay naging husband and wife.
Nag-iisang anak nila si Juliana na past 20 na rin at hindi pa nasusundan. Kung kailan mabubuntis uli si Lucy, well, tanging Diyos na lang ang nakakaalam.]





Comments