Dating kay Kris… NADINE, ‘DI MA-TAKE NA MATAWAG NA HORROR QUEEN
ni Nitz Miralles - @Bida | November 24, 2022

Naligaw si Nadine Lustre habang papunta sa mediacon ng MMFF entry ng Viva Films na Deleter dahil sa halip na sa Botejyu sa Ayala Malls sa Vertis North, sa branch ng Japanese resto sa Estancia sa Ortigas siya pumunta.
Biniro tuloy ang aktres na muntik siyang ma-delete sa mediacon ng sariling pelikula.
Anyway, parang sure winner na sa box office ang Deleter sa direction ni Mikhail Red dahil pinag-uusapan at excited na ang mga netizens na mapanood ang horror movie sa MMFF na ang description ni Direk Mikhail ay “techno horror.”
For sure, curious at excited na kayong malaman kung ano ang ibig sabihin ng techno horror.
Nagpadagdag ng curiosity ang tagline ng movie na “Don’t Delete the Dead.”
Dahil horror ang Deleter, tinanong si Nadine kung tatanggapin ba niya ang korona bilang “Horror Queen” na dating kay Kris Aquino.

“I don’t think I can claim that title. If you can be a horror queen, dapat marami ka nang nagawang horror movies. Isang horror movie pa lang ang nagawa ko. We’ll see. I’m looking forward to doing more horror films. Sa ngayon, ‘di pa ako comfortable being called a Horror Queen,” paliwanag ni Nadine.
Para hindi ma-preempt ang movie, hindi ikinuwento ni Direk Mikhail ang story ng Deleter at hindi rin sinabi nina Nadine, Jeffrey Hidalgo, McCoy de Leon at Louise delos Reyes ang kani-kanyang role. Gugulatin na lang nila ang moviegoers sa role nila.
Ang isa sa mga nagpapa-excite sa cast ay ang magiging reactions ng moviegoers kapag napanood na ang Deleter. Looking forward din sila sa float
nila sa MMFF Parade of Stars na sabi ni
Direk Mikhail ay giant keyboard.





Comments