top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Dating heartthrob, biglang naging tito... ALFRED, GUMUHO ANG MUNDO NANG TUMABA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 22, 2023
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 22, 2023




Hindi pala biro ang pinagdaanan ni Alfred Vargas nang madagdagan ang kanyang timbang at umabot siya sa 251 lbs.


Sa YouTube channel ng konsehal ng Distrito 5 ng Quezon City, ang “Vargas Tries”, ikinuwento niya ang hirap na pinagdaanan noong panahong iyon.


“May aaminin ako sa inyo, there was a time, bumaba talaga ang self-esteem ko, nag-iba ang buhay ko. I was so depressed.


“So, what’s funny about this, hindi ko nahalata, isang umaga… pagharap ko sa salamin, kahit ‘yung sarili ko, hindi ko nakilala ‘yung taong nasa salamin. And doon, parang gumuho ang mundo ko and doon, parang iyon ang pinaka-wake-up call ko. Unti-unti, umabot na pala ako sa 251 lbs,” tsika ni Konsi Alfred sa first episode ng kanyang vlog.


Aniya, nag-iba ang buhay niya sa paglaki ng katawan niya. Nariyan ‘yung na-feel niyang ang tanda-tanda na niya.


“Dati kapag nasa mall ako, ‘yung mga tao, tatawagin ako at lalapit pa sa akin, ‘Papa Alfred’ tapos lately, medyo lumaki na ako, ‘yung iba, hindi na ako nakikilala, tapos ‘yung iba naman, nakikilala pa ako pero ang tawag sa akin, ‘Tito Alfred’ na.


“Sabi ko, ‘Dapat magbago ako’ and this time around, nag-decide ako na I will not do this for vanity, I will not do this for projects, I will do this for my children and para maipakita ko sa aking mga anak kung gaano ko sila kamahal by trying to live the longest that I can.


“From 251 lbs., now I am 201 lbs,” pahayag ng aktor-pulitiko.


Ehersisyo ang sikreto ni Alfred sa pagbaba ng kanyang timbang at ipinakita pa nito ang exercise na ginawa niya.


Ang YouTube channel na Vargas Tries, ay regalo ni Konsi Alfred kasama ang kapatid na si Cong. PM Vargas sa kanilang mga “solid friends” na 18 taon na nilang kasama.


Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page