Dating extra lang… IVANA, BIDA NA SA SERYE, BIBILI PA NG FARM SA MASBATE
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 18, 2022

Sa kanyang latest YouTube vlog ay nag-throwback si Ivana Alawi ng kanyang nakaraan bilang artista. Hindi siya makapaniwala na bida na siya ngayon sa ABS-CBN series na A Family Affair dahil dati raw ay pa-extra-extra lang siya.
“Dati, ‘di ba, ano lang tayo, pa-extra-extra?” sey ni Ivana sa kanyang PA (personal assistant). “Na-shock kami sa ano, ganito pala ‘pag nagbibida,” she added.
Kuwento ng kanyang PA, dati raw, sa isang araw ay apat na sequences lang si Ivana sa mga proyekto nito. “Hindi na kami nagto-throw lines kasi ang igsi ng lines ko. Naninibago nga kami. Pero masaya,” sabi naman ni Ivana.
Pagre-recall pa ng vlogger-actress, dati raw sa mga tapings ay nasa isang tabi lang sila ng PA at naghihintay lang na tawagin ng production staff. Hindi pa raw siya kilala ng staff at magtatanong pa raw ng: “Sino si Ivana?” Kaya sey ng aktres-vlogger sa kanyang nararanasan ngayon: “God is good.”
Sa Masbate nag-lock-in taping si Ivana ng kanyang serye with Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito and Jameson Blake. Bago umuwi ay nag-vlog muna siya para ipakita ang naturang lugar sa kanyang mga subscribers.
Ayon kay Ivana, sobrang na-enjoy niya ang Masbate dahil napakaganda ng lugar. Nagpunta siya sa isang malaking farm kung saan ay ipinakita niya ang kahusayan niya sa pagho-horseback riding. Aniya ay dream niyang magkaroon ng sariling farm at gusto nga raw niyang bumili ng ganitong property sa Masbate.
“Naghahanap kami ng ano, sabi ko nga, gusto kong bumili ng lupa rito sa Masbate kasi sobrang ganda. Saka nakaka-relax ‘yung lugar. Aside from that, sobrang bait ng mga tao,” aniya.
Sinigurado niyang babalik siya sa Masbate at isasama raw niya ang kanyang buong pamilya.





Comments