Dating 'di ma-reach ng masa… REGINE, GUMANDA ANG IMAGE DAHIL KAY OGIE

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 28, 2022

Hindi kami sang-ayon sa comment ng ilang netizens na “anino” na lamang ngayon ni Regine Velasquez ang mister niyang si Ogie Alcasid.
Bago pa man naging magkarelasyon sina Ogie at Regine, made na made na bilang singer- composer-actor at recording artist si Alcasid. Naging host din si Ogie ng ilang game shows ng GMA Network at matagal na naging bahagi ng gag show na Bubble Gang at nakapagbida na sa maraming pelikula.
So, bakit sasabihing nakadikit lang siya sa kasikatan ng Asia's Songbird?
In fact, malaki ang naitulong ni Ogie upang gumanda ang imahe ni Regine sa publiko.
Maganda ang PR ni Alcasid sa lahat. Hindi rin siya nasangkot sa anumang iskandalo at intriga. Napaka-lovable rin ni Ogie da Pogi kaya abot-kamay ng mga fans.
Dahil kay Alcasid kaya tanggap na rin ng lahat ang kanyang misis na si Regine. At kahit sabihin pa na pang-masa ang level ng Asia's Songbird, parang ang hirap niyang abutin at hindi gaanong open sa publiko. Pero nang dahil kay Ogie, hindi na gaanong naba-bash si Regine, at sinakyan na lang ng iba ang kanyang ugali.
Kung tutuusin, mas maraming achievements si Ogie Alcasid bilang isang artist kumpara kay Regine Velasquez na Asia's Songbird ang titulong puwedeng ipagmalaki.





Comments