Dating DDS… KA FREDDIE, SI PACQUIAO ANG MANOK SA PAGKA-PANGULO
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 16, 2022

Labis na ipinagtataka ng marami kung bakit ang icon at veteran singer na si Freddie Aguilar ay napunta na sa kampo ni Sen. Manny Pacquiao at naging supporter nito?
Alam ng lahat na si Freddie Aguilar ay kasama sa sirkulo dati ni Pangulong Rodrigo Duterte. At nang manalong pangulo si Du-30 ay tumanggi si Ka Freddie sa posisyon na ibinibigay sa kanya.
Hindi niya tinanggap ang kahit anong posisyon dahil ayaw ni Ka Freddie na may maisumbat sa kanya.
Ngayon, bagama't hindi siya sumasama at nakikita sa mga rally ni Sen. Pacquiao, maugong na usap-usapan ang kanyang suporta sa kandidatura ni Pacman at lumabas na nga ang balitang ito sa social media.
Ang iba namang celebrities ay open na open sa pagdedeklara kung sinu-sino ang kanilang presidentiables na susuportahan.
Maraming celebrities na ang nagkakainitan dahil sa pulitika. Marahil, umiiwas lang si Freddie Aguilar na ma-bash at magka-issue kaya hindi siya lantaran kung sumuporta sa kanyang kandidato.





Comments