Dating BFF, tumalikod sa mister niya… SHARON SA FRIENDSHIP NILA NI BB: SANA ‘WAG MASIRA
- BULGAR

- 5 hours ago
- 3 min read
ni Rohn Romulo @Run Wild | September 8, 2026

Photo: IG _reallysharoncuneta & _gandangharibb
Nag-react na si Megastar Sharon Cuneta tungkol sa kaibigan niyang si BB Gandanghari sa naging pahayag nito kamakailan sa mister niyang si Sen. Kiko Pangilinan.
Matatandaang sa naging interview ni BB sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), binawi ng kapatid ni Sen. Robin Padilla ang kanyang pagsuporta kay Kiko dahil hindi na aligned ang kanilang pinaniniwalaan.
“I campaigned for Kiko way back nu’ng una s’yang tumakbo. I campaigned for him kasi si Sharon ay kaibigan ko,” lahad ni BB noong nakaraan.
Aniya, “Tumatak sa isip ko ‘yun na we have to maintain our integrity as far as iyong ipinapangako natin sa tao. Dumating ang punto na dito nga sa usaping tungkol sa mga bata (Juvenile Justice), parang ‘di ko naiintindihan kung bakit ‘di naiintindihan ‘yun ni Sen. Kiko.
“Nothing personal at all. Kaso sabi ko nga kay Sharon, kung ganyan, binabawi ko na ‘yung suporta ko kasi baka may mga nakakaalala pa noon.
“Kung ano ang paninindigan ng asawa mo, I don’t think I can support you any longer. And I’m taking it back kasi nagkampanya ako in public, so I will also take it back in public.”
Sa guesting naman ni Sharon last week sa talk show ni Boy Abunda, natanong siya tungkol sa naging pahayag ni BB sa naturang show.
“Nu’ng panahon before s’ya naging BB, tawag ko sa kanya, ‘Kuya Tom’. Siya ‘yung love na love ko, tapos naging Ate B.
“So sa akin, I respect naman kung ano ‘yung paniniwala ng bawat tao. ‘Di ko mai-impose ‘yung beliefs ko sa isang kaibigan. I never had to do that.
“‘Yung sa akin lang, sana ‘yung friendship, ‘di naitapon kahit iba na ‘yung paniniwala. Kasi mahal ko s’ya,” tila nanghihinayang na saad ni Mega.
“Nangyayari naman, people change. People evolve, especially her brother is in the Senate also… So that’s okay with me,” sey pa ni Sharon na muling mapapanood sa seryeng Honor Thy Mother (HTM) with Barbie Forteza, ngayong September 11 na sa Prime Video PH.
Hopefully, magkausap muli sina Sharon at BB.
Hosting skills, nilait…
BRENT: ‘DI PO AKO PUNCHING BAG
BINASAG na ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) Big Winner na si Brent Manalo ang kanyang katahimikan para i-address ang natatanggap na hate comments online about sa kanyang hosting skills.
Sa kanyang post sa X (dating Twitter) last Sunday, September 6, may pakiusap siya sa madlang pipol.
“I’m not here to change nor dispel your perception of me, but I am asking for a little bit of grace,” panimula ni Brent.
“For months, I took all the lashings and never said a word because I’m a firm believer that you should always let your work speak for you. With all the opportunities being given to me right now, I am truly grateful to the management and everyone who believes in me and my capabilities.
“But these things were never handed to me, it was years of waiting and hard work.
“‘Wag n’yo po sanang ipagkait sa akin na gawin ‘yung trabahong ibinibigay sa akin. I am simply doing my job.
“Regarding my PBB stint, admittedly, my win was polarizing but it is my journey and I hope to be able to look back at it with pride.”
Paliwanag ni Brent, “I never once took that win for granted. I owe it to all those who fought for me. I have made mistakes and learned from it.
“I have apologized time and time again to those whom I’ve offended. This chapter has been closed, so I hope we can all move forward.”
Paniniwala pa niya, “I will ALWAYS listen to constructive criticisms. And I’ll always try to continuously improve because it is our responsibility to provide quality TV to our audience. I’m still a work in progress and I promise to stay committed.”
Katwiran pa niya, “But if your sole purpose in life is to throw unwarranted hate at me, please keep your opinions to yourselves because it will never be acknowledged by me. ‘Di po ako punching bag.”
Marami naman ang nagtatanggol at nagpapahayag ng suporta kay Brent at sinabihan siyang dedmahin na lang ang mga bashers.
Kaya go lang, Brent. Keep up the good work!





Comments