Dating BFF, 'di na raw ka-close… MAJA, 'DI RIN IMBITADO 'PAG IKINASAL SI KIM
ni Julie Bonifacio @Winner | September 26, 2023

Diretsahang sinagot ng It’s Showtime host na si Kim Chiu ang tanong kung bakit waley siya sa kasal nina Maja Salvador at Rambo Nuñez sa Bali, Indonesia sa recent vlog niyang Cooking Tortang Talong With Q&A on her YouTube Channel.
Tanong ng follower ni Kim, “Bakit po wala kayo sa kasal ni Ate Maja?”
Sagot ni Kim, “Wala. Hindi naman kami sobrang close na ni Maja and hindi na rin naman kami masyadong nag-uusap. Siyempre, kapag kasal mo, gusto mo 'yung mga taong gusto mo lang nandiyan to witness your love sa partner mo.”
In short, ‘di siya gusto ni Maja na makita on her wedding day at nabuking na ‘di naman talaga siya kaibigan ni Mrs. Nuñez.
Pagpapatuloy ni Kim, “Hindi ako naimbitahan. Hahaha! Pero okay lang,” sabay bawi ng aktres.
“Wala talaga (sama ng loob). Sobrang happy ko para sa kanya, minessage ko naman siya.”
At para etchosin na nagpapakita ng concern si Maja sa kanya, may-I-message raw si Mrs. Nuñez kay Kim nu’ng naospital ang ate niya na si Lakambini Chiu.
Kuwento ni Kim, “Na-touch din ako nu'ng minessage niya ako dahil doon sa nangyari sa ate ko. Sabi niya, ipinagpe-pray daw niya 'yung ate ko and sana raw, okay lang ako. Nakausap ko siya noong may nangyari sa ate ko.
“Pero siguro sa kasal, hindi naman na importante kung imbitado ka or hindi. Basta sa sarili mo, masaya ka na nangyari sa kanya 'yun. Deserve nila ang isa't isa, sila ni Rambo.
“Hindi naman na siguro ako magma-matter kung present or hindi. As long as happy ako na nahanap na niya ang forever niya. 'Yun si Rambo. Kaya congratulations, Mr. and Mrs. Nuñez.”
Sa true lang, ‘di kawalan kay Kim ang ‘di maimbita sa kasal ni Maja. And we think, ganoon din ang feeling ni Maja for not inviting Kim to her wedding.
Knows naman natin ang ginawa ni Maja kay Kim nu’ng karelasyon pa ni Chinita Princess ang aktor na si Gerald Anderson. Kaya it’s not really Kim’s lost kung ‘di siya inimbita sa wedding ni Maja.
Pinuri-puri naman si Kim ng mga followers niya sa kanyang YT channel sa naging pahayag niya sa ‘di pag-imbita sa kanya ni Maja sa kasal.
“Ang laman ni Kim dito.. Good job.. At magaling din ang host mo. Kudos to him... Hindi nakaka-boring..”
“That's a good answer, Kimmy. Hindi na importanteng hindi ka invited sa kasal. Ang importante, happy na 'yung tao na ikinasal na. Ang importante, si Kimmy, masaya sa buhay niya. Iba-iba ang buhay ng tao, gaya ng mga artista, may group of friends din sila. God bless you more, Kimmy!”
Kaya sa wedding ni Kim, ‘lam na kung sino ang maliligwak at ‘di makakatanggap ng imbitasyon.





Comments