Dating aktres sa Home Along da Riles… MAYBELYN DELA CRUZ, UMAMING MAY COVID-19

Julie Bonifacio - @Winner | December 14, 2020

Sunud-sunod ang mga celebrities na lantarang umaamin sa publiko na sila ay nagpositibo sa covid-19 virus. At ang latest ay ang dating Ang TV at Home Along Da Riles star na si Maybelyn dela Cruz.
"And... I have COVID," panimula ni Maybelyn sa caption ng kanyang Instagram post last Saturday.
Active member ng Philippine National Red Cross si Maybelyn kaya kabilang siya sa non-government organization na ito na nagpunta sa Cagayan region para magbigay ng tulong sa mga kababayan natin doon na nasalanta ng Bagyong Ulysses.
"Following health guidelines, I observed voluntary self-quarantine in a separate room in our home and subsequently subjected myself to swab testing. It was something I was hoping would not happen, but it has. I was informed just last night that I tested positive for COVID-19," lahad ni Maybelyn.
Agad daw siyang nakipag-coordinate sa local official na nagha-handle ng covid cases, tumawag sa ospital at na-admit.
Mabuti na lang daw at mild lang ang symptoms niya kaya okey naman ang kanyang pakiramdam at mino-monitor ang kalagayan niya maya't maya.
"My family is scheduled for swab testing on Monday. My husband, Michael and I would like to take this opportunity to inform those who had close contact with us as we understand that it is a necessary step for the safety and protection of all concerned. As responsible members of our community, our family appreciates the importance of health protocols in order to break the chain of transmission."
Ang kasalukuyang Councilor ng Dagupan City na si Michael Fernandez ang mister ni Maybelyn. Meron silang isang anak, si Olivia.
Naging councilor din si Maybelyn sa Dagupan City from 2010 to 2019. Pagkatapos ng kanyang term, ang mister niyang si Michael ang humalili sa kanya.
Sa huling part ng caption ni Maybelyn, pinasalamatan niya ang lahat ng kanyang well wishers at nanalangin para sa kanyang paggaling.
Ilan sa mga dating kasamahan ni Maybelyn sa showbiz ang nag-post sa comment section ng IG story niya.
"Get well soon Mare. Praying for you," say ni Danica Sotto-Pingris.
"Feel better soon," mensahe ng US-based Pinay celeb na si Krista Ranillo.
"Get well soon. Para sa bayang mahal!" post naman ng dating kasamahan niya sa Home Along Da Riles na si Gio Alvarez.





Comments