top of page

Dating $4.5M, naging $2M na lang… PACQUIAO, IBINENTA NANG PALUGI ANG MANSIYON SA TATE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 5, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | November 5, 2023



“Lotlot de Leon” (read: talunan) muli ang World Boxing Champ na si Manny Pacquiao.


This time, hindi sa boxing ring kundi sa larangan ng real estate natalo ang dating senador.


Ang tinutukoy namin ay ang bahay ni Manny Pacquiao sa Los Angeles, California.


Matagal nang ibinebenta ni Manny ang bahay niya na nasa Hancock Park sa L.A..


Kung hindi kami nagkakamali, isa ang bahay na ibinebenta ni Manny sa mga unang nabili at natirahan ng pamilya niya sa Amerika.


Ang bahay ay mala-Mediterranean ang style na may sukat na 4,200 sq. feet, may two floors, limang kuwarto at may swimming pool.


Ang taas ng kisame ay umaabot sa 22 feet at may malalaking bintana.


May fireplace, mezzanine upscale kitchen ng isla na gawa sa Caesarstone, at mga magagarang appliances nina Miele at Bosch, glass hood, at built-in na coffee bar.


Sa master’s bedroom, may walk-in closet at balkonaheng may mga tanawin ng pool, bonggang primary bathroom na may glass shower at rectangular tub.


Lugi raw si Manny sa naibenta niyang bahay. Nabili raw kasi niya ang bahay sa halagang $2.17 million, pero naibenta lang sa presyong $2M o mahigit P100 M.


Aba! Napakalaking halaga pa rin niyan sa ‘Pinas, hah?


Although, ‘yung bahay ni Manny sa Forbes Park ay nabalitang ibinebenta niya sa halagang P2 billion.


Two years ago, ang presyo sa market ng L.A. house ni Manny ay $4.5 million. Wala raw kumagat sa halaga nito for several years, kaya kahit presyong palugi raw ay pumayag na si Manny.


For sure, iintrigahin na naman si Manny ng mga bashers niya at sasabihing nauubos na ang pera niya kaya kahit palugi ay pumayag na ang boxing legend.


Sa palagay namin ay ‘di naman, kasi kabibili lang nila ng misis niyang si Jinkee Pacquiao ng bagong bahay sa Amerika, at may isa pa silang bagong bahay sa GenSan.


At kung maubos man ang pera ni Manny, nand’yan naman si Jinkee na almost kasingdami rin ang pera tulad sa kanyang mister, lalo na ‘pag naibenta niya ang lahat ng kanyang luxury bags, shoes at mga damit.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page